Benchinko na si #KuyaJudy!

No comments
Ang daming naganap nung 25th birthday ko.

Linggo.
Pinagluto ko ang pamilya ko ng pesto pasta at mashed potato with gravy. Bumili nalang ako ng isang buong manok at nagpadeliver ng dalawang box ng pizza.

Cooking Kuya Judy

Nag-improvise sila ng banana bread cake bilang hindi nila ko binilhan. Nabusog naman kami sa carbo-loading-themed party ko. Nag-Skype kami ni Papa at sabi niya pwede na ko mag-asawa! Haha. Nag-mahjong kami pagkatapos at nanalo ako! Pero binalato ko rin lahat sa Lola kong cute.

Lunes.
Hindi ko pa birthday, pero nagfifeeling na ako. Late na ako nakapasok ng office dahil sa pagod kong magluto ng pesto at mashed potato noong Linggo. Ang hirap kaya tantsahin kung luto na yung pasta! Nagbalat pa kami ng mga patatas ni Kevin.

Princess Sarah lang ang peg

Wala masyadong tao sa office, kaya hindi na ako nag-expect masyado na may biniu-brew silang surprise for me. Pero bilang kilala ko ang mga kaofficemate ko na magagaling sa last minute, inaamin kong umasa ako na baka meron akong banner, cake, at Amber's bukas. Baka lang naman.

Martes. Birthday ko na! Big deal sa akin ang birthday kaya feel na feel ko siya. Nagsuot ako ng medyo revealing top. Lol. Sinurprise ako ni Kevin ng masarap at legit na Sans Rival cake na Caramia! Nafeel niya na na-sad ako sa banana cake noong Linggo.

Thank you, Heart!

Pagdating ko ng office, syempre nagpalate ako ng ilang minutes para may chance pa silang ayusin yung mga pang-surprise nila na last minute. Pagpasok ko ng pinto, aba, may banner nga ako! Talaga tong mga kaopisina ko oh, napaka-predictable! Joke lang.

My pink banner that reads "Happy birthday, Ate Judy!"

Binati nila ako at nandun pa ang Boss namin. May beso ako at Sans Rival cake ulit! Binigyan naman ako ng asawa niya ng libro! Ang saya ko agad, kauumpisa palang ng araw! May regalo din sa akin ang aking Immediate Boss at may card pa! Ako na talaga! I heart birthdays!

Medyo humupa ang mga batian portion, pero sa Facebook, bumabaha ng "Happy birthday Kuya Judy" wall posts. Napapa-chuckle ako everytime may nagmemessage sa akin. Binati ako ng mga crush ko, mga may crush sakin, at mga fans. Nakakakilig!

Naging busy ako panandalian sa trabaho (sana) at di ko namalayan na tanghalian na. Not until binuko ni Vico na may spaghetti at chicken sa loob ng meeting room namin. Pagtayo ko sa upuan, kumanta na silang lahat, at konti nalang, na-tears na ako. Buti nalang macho ako.

Ayun na nga at pasitib! May Amber's nga! May spaghetti, chicken, pichi-pichi, at chocolate cake! Pang-apat na cake ko na 'to! Salamat sa mga sponsors! Ayaw pa nila magsimula kumain, yun pala, may programa pa! Pakana ni Samantha. Ginawan nila ako ng debut, na parang may 18 Roses. Pinagsuot pa ako ng palda! Nakakatuwa!

My ULF team. ♥

Pagtapos sumayaw at magpicturan, sabi ko magsikain na sila. Ayaw pa rin nila at pinatay
pa ang ilaw! Aba, eto ang hindi ko inexpect. May pa-video pa! Grabe talaga, masyado nila akong mahal!

Puro pictures ko na pinakatatago ang lumabas sa video, kasama ang mga mensahe ng mga kaopisina namin na nasa Arizona, Singapore, at Maynila. Nakaka-tears! Love na love ako!

Kumain na kami pagtapos. Actually, may card pa silang binigay na may magandang drawing at maraming mensahe. Ang saya! Onting trabaho, tapos umuwi na rin kami.



Naglakad ako papunta sa St. Francis of Assisi Church sa may Shaw. Maswerte ako na naabutan ko pa ang final blessing kahit papaano. Umuwi na ako pagka-bless ko kay Father.

Blessed!

Nagkita kami ni Kevin at pinagluto niya ako ng Beef and Mushroom Pasta with Bacon at sandamakmak na parmesan. Sarap! Kinain din namin yung cake, habang nanonood ng Most Wanted Man.

Luto ni Kevin! Pwede ka na rin mag-asawa. Haha. 

Di pa rin humuhupa ang mga pagbati sa Facebook! Lampas 150 ata ang bumati sa akin. Pero, 900+ ang Facebook friends ko. Anyare?! Okay lang, ang mahalaga naman eh naalala ako ng mga tunay kong kaibigan.

Miyerkules. Unang araw ko bilang isang 25-year-old woman. Iba ang pakiramdam, parang bagong simula. Buong araw akong nagtrabaho ng walang distraction, at ang dami kong natapos. Nakapag-Zumba pa ako! Pagbalik ko sa office, nagtrabaho pa ng onti. Umuwi ako mag-9 na ng gabi.

Masayang-masaya ako ngayong taong ito dahil ang daming bagay ang nag-fall into place para ganito ang maramdaman ko. Masaya ako sa trabaho ko, sa pinagtatrabahuan ko, sa mga katrabaho ko. Masaya ang pamilya ko. Masaya ang puso ko dahil kay Kevin. Yiee. At siyempre, ramdam ko na mahal ako ni Lord. Salamat po. Salamat sa inyong lahat!

Eto ang regalo ko sa inyo: Di ko papahabain ang hair ko. I'll still be your poging-poging #KuyaJudy this 2015. :)

Mahal ko kayong lahat,

Kuya Judy

No comments :

Post a Comment

Overheard sa MRT: Seven Words Para Mapa-Shut Up Ang Isang Lalake

No comments
When in MRT, hindi maiiwasang magkasakitan at magkainitan. I'm sitting in front of the bravest Ateng MRT passenger ever. Bakit sya brave?

Scenario: Nasasandalan siya ng isang Kuyang MRT passenger.

Ateng Brave: (in her calm voice, nakatalikod lang kay Kuyang Sandal) Ang bigat mo Kuya eh.
Kuyang Sandal : (medyo palaban at pabiro kasi kasama niya girlfriend niya) Ah kasi umaandar. Ganun talaga, tren to eh.
Ateng Brave: (still in her calm voice, not looking pa din to Kuya) Tumigil ka na. Baka masapak pa kita.
Kuyang Sandal: . . . . . . . .

There you have it, guys. With just seven words, Ateng Brave made Kuyang Sandal shut up.

Nagmamatyag.

Kuya Judy


No comments :

Post a Comment

Ang NBI Clearance at ang Mamamayang Pilipino, bow.

No comments
Ang pagkuha ng NBI Clearance sa Satellite Office ng Quezon City Hall ay microcosm ng Pilipinas. Sa pagpila ko ng halos limang oras na, ito ang napagtanto ko.

Isang ordinaryong Huwebes sa Quezon City Hall

1. Matiyaga ang mga Pilipino. Gigising ng maaga, isasakripisyo ang isang araw para tumayo at maghintay. Alas kwatro palang nakapila na ang iba. Apat na oras ang bubunuin para lang maging una sa pila.

2. Madiskarte ang mga Pilipino. Lahat ng pwedeng pagkakitaan ng pera, ginagawa. May nagbebenta ng black ballpen, with matching advertisement na black ballpen lang ang tinatanggap. May "erase erase ballpen" o nagaalok ng unli-pahid ng correction fluid sa mga nagkamali sa pagsulat sa form. Ika pa ng isang tindero, lahat naman tayo nagkakamali.

3. Matiisin ang mga Pilipino. Kahit gaano kahaba ang pila, pupunta at pupunta pa rin sa dulo.

4. Masayahin ang mga Pilipino. Kahit na umaambon, kulang sa tulog, gutom, masakit ang paa sa katatayo, nagagawa pa ring ngumiti, magbiro at makipagkwentuhan.

5. Mapagmahal ang mga Pilipino. May mga kasama pang ina, kapatid, asawa, girlfriend ang mga iba, handang maghintay makasama lamang sila. Haha.

6. May kaunting katamaran nga lang ang mga Pilipino. "Bahala na," "Sundan nalang natin ang pila," "May mag-aassist naman YATA dun sa loob," "Sana nasa unahan na ako," yan ang mga kadalasang maririnig mo sa mga nagaantay sa pila. Imbis na tumayo at magtanong, aantayin nalang nilang dumating ang problema sa buhay nila tsaka lang ito sosolusyunan.

7. Matiisin ang mga Pilipino, kahit hindi naman nila deserve ito. Ilang oras man ang pila, titiisin nila. Nakakaawang tingnan na wala tayong magawa kundi maging alipin ng bulok na sistema ng gobyerno na imbis na umaabante sa takbo ng panahon, ay lalo pang nagigingpabaya at walang pakialam sa paghihirap ng kapwa Pilipino.

8. Kumakapit sa patalim ang mga Pilipino. Minsan, yung iba ay nagpapadala sa mabilis ngunit maduming proseso kung saan kinakalimutan nila ang integridad at ginagawa ang hindi dapat gawin para lamang hindi na sila mahirapan. Sa ganitong paguugali ng mga Pilipino babagsak ang Pilipinas.

9. Manhid, tikom ang bibig, at bulag na ang mga Pilipino. Kahit anong paniningit sa pila, pagsuway sa sistema, pandaraya ang nakikita nila ng harapan, minsan tinitikom nalang nila ang kanilang mga bibig, umiiwas ng tingin, at hinahayaan na lamang nila na sila ay lamangan, hindi dahil okay lang sa kanila, ngunit dahil hindi nila kayang lumaban. Kakaunti lamang ang mga Pilipinong matatapang. Paano na ang Pilipinas.

10. Mabagal ang pag-usad ng Pilipino. Maging ito man ay dahil sa nagpapatakbo ng gobyerno, o dahil sa mga mamamayang Pilipino, napakabagal ng pag-asenso. Naghihilahan pababa. Natutuwang makakita ng napapahiya. Imbis na tumulong sa kapwa, nag-iinggitan at nagkakahusgahan.

Sa katapus-tapusan, mapagpasalamat ang mga Pilipino. Malampasan lamang ang lahat ng hirap, sakit, pandarambong at trahedya, ngingiti at babangon muli ang mga Pilipino. Hindi dahil nakalimutan na nila, kundi dahil nanaig sila.

Isa-isa lang, Pilipino. Matatapos rin ang paghihirap mo.

Nagmamahal,

Kuya Judy

No comments :

Post a Comment

Si Lolo Pedro

No comments
Kagabi, past 9 na kami nakauwi ng mga officemates ko. Pauwi ako ng ParaƱaque kaya bus ang sasakyan ko. Pagbaba ko ng MRT Boni at papunta sa antayan ng bus, biglang pumatak ang ulan.

Binuksan ko ang aking payong at nakita ko ang isang lolo, marahil nasa 70 years old na siya sa tantsa ko, na walang payong at nakasuot lang ng sumbrero. Maayos siya, malinis, at mukang pauwi siya mula sa isang kamag-anak na binisita o nagpa-check up sa doktor.

Agad ko siyang pinayungan bilang instinct lang naman. "Ay, thank you," kanyang isinagot. Natuwa naman ako na hindi niya tinanggihan ang pag-offer ko ng payong ko sa kanya.

"Saan ka papunta?" sabi ni Lolo. "Sa Bicutan po ako. Kayo?" sagot ko. "Sa FTI ako. Sayang hindi tayo pareho ng pupuntahan," ani niya. Ika niya, alas-singko y media pa siya nagaantay ng bus. "Grabe itong araw na ito. Ang lakas ng ulan kanina kaya stranded ang mga pasahero," kwento niya. "Opo nga po eh. Saan po kayo galing?" tanong ko. "Sa opisina," sabi niya.

Nagulat ako na nagtatrabaho pa siya! Sabi niya sa opisina daw ng Senior Citizens ng Mandaluyong siya nagtatrabaho. Sa Security daw siya. Nabilib ako dahil feeling ko ang tanda na niya talaga pero narito siya, pauwi galing sa opisina.

"Saan ka galing?" tanong naman ni Lolo. Sabi ko sa Unilab Foundation ako nagtatrabaho. "Ah, sa United Laboratories? Mahusay na kumpanya yan. Napakabait ni Campos," sabi niya. Nakakatawa ang sunod kong tanong. "Ah, naabutan niyo po siya?" Haha. Malamang diba.

Wala pa ring dumadating na bus na pa- FTI. Kung meron man, punong-puno ito hanggang pintuan. Tuwing may dadating na FTi na bus, pinapara ko ngunit hindi na magkakasya si Lolo. Parang di na niya kaya sumabit kaya sabi ko "sa susunod nalang pong bus, Tay."

Naisip kong mag-taxi na lamang at ihatid siya sa kanila. Ngunit matumal din ang mga dumadaang taxi. "Sa Alabang ba na bus pwede ka?" tanong niya sa akin. Sabi ko hindi ako pwede dahil malayo na yun. Maya-maya, tinanong niya ako ulit, "Sa Alabang ba na bus, pwede ka sumakay?"

Patuloy ang patak ng ulan. Alas-10 na ng gabi, di pa rin kami nakakasakay. Tinanong ko kung kumain na siya ng hapunan, hindi pa raw. "Sanay na rin tayo," bulong niya. Bawat bus na dumadaan, binabasa namin ang placard ng sabay, umaasa na may FTI. "Sumakay ka na kung may bus ka na ha," bilin niya. Sabi ko wala pang bus na pa-Bicutan na kasya ako. Puno rin lahat.

Tinanong niya ako ulit, "yang Alabang ba na bus, pwede ka diyan?" Naalala ko ang aking lolo't lola na pagkakakulit kung tanungin ako kung gusto ko uminom ng Milo tuwing agahan. "Hindi po ako pwede diyan eh," sagot ko.

Hanggang sa may dumating na bus, air-conditioned, na papuntang Bicutan. Maluwag pa ito at pwede na akong sumakay at iwan siya kung gusto ko. Pinilit ko nalang siyang sumakay na rin at sabi ko sumakay nalang siya ng jeep sa Bicutan papuntang FTI. Pumayag siya. Nakasakay na kami ng bus.

Pagsakay namin though, puno na pala. Wala nang upuan. Kinapalan ko na ang mukha ko at tinapik ko ang isang kuyang nakaupo at sinabing paupuin niya si Tatay. Salamat sa kanya, at nakaupo si Lolo. Agad-agad nilabas ni Lolo ang pera niya sa kanyang bulsa. Suma total 90 pesos ang dala niya. Nilabas niya ang 50 pesos niya at sinabing "Ako na."

Syempre di ako papayag. Haha. Buti nalang at yung konduktor sa likod ko nanggaling. Matagal ang biyahe namin ngunit okay lang dahil nakaupo naman si Lolo. At least.

Pasado alas onse na nung dumating kami sa Bicutan. Umakyat kami ng overpass at sabi niya 10 years ago pa siya huling nakaakyat sa overpass na yun. Takot ko lang na baka maligaw o madulas si Lolo, sinamahan ko siya hanggang sa sakayan ng jeep pa-Tenement. Sasakay pa daw siya ng tricycle pa-looban pagbaba niya ng jeep.

Tinanong ko siya kung kaya niya pa maglakad, bilang ang haba ng overpass. "Oo naman, kaya pa," ang sabi niya. Tinanong ko kung ilang taon na siya. Hindi ako handa sa naging sagot niya. "80."

Nagulat ako ngunit mas nalungkot ako dahil dapat sa edad niyang yan, nasa bahay nalang siya at nagpapahinga. Pero hindi. Alas onse ng gabi at eto kami, naglalakad pauwi galing sa opisina. 8 to 5 din daw ang pasok niya. So ilang oras lang mula noon, makikipagsapalaran na ulit siya sa pagsakay ng bus.

Nakakita ako ng jeep na Tenement at pinara ko ito. Tinanong ko siya, "ano pong pangalan niyo?" "Pedro Robles," sabi niya. Nagpakilala rin ako at sabi pa niya, "Nako, bigatin ang mga Santiago." Haha. Tanong niya bago siya sumakay ng jeep, "Hapon-hapon ka ba dun sa may Boni? Magkikita nalang tayo ulit doon." Sabi ko ginagabi na ako ng uwi. Binigyan ko siya ng calling card ko para lang mapanatag ako na okay siya. "Ayan mabuti," sabi niya.

Paandar na yung jeep, kinatok ko at tumigil ulit ito. Pinasakay ko na si Lolo Pedro. Sabi ko mag-ingat siya, at kinonfirm ko sa driver kung pa-Tenement nga iyon. Nakita ko siya sa loob ng jeep, sinuksok niya yung calling card ko sa bulsa niya, at nilabas ang perang pambayad. Nakita kong tinanong niya pa yung mga pasahero kung pa-Tenement nga ba iyon. Tumango naman ang aleng katabi niya.

Umakyat na ako ng overpass at umuwi. Nakakalungkot lang na kailangan pang magtrabaho ni Lolo Pedro kahit otsenta na siya. Okay lang sana yun eh, kaso sa bawat araw na papasok siya, nararanasan rin niya lahat ng hirap na dinaranas ko. Eh nagrereklamo na nga ako diba? Paano pa siya? Paano pa ang ibang Lolo Pedro sa Pilipinas?

Sana nakauwi siya ng maayos. Inaantay siya ng kapatid niya.


Kuya Judy

No comments :

Post a Comment

Papansin na naman si Kuya Judy

No comments
Bakit nga ba post ng post si Kuya Judy ng breakfast niya? Dami pang nilalagay na hashtag.

Sumali kasi ako sa pinakabagong online movement ng Unilab Foundation, na kung tawagin eh #HealthIsHappening. Simple lang naman kasi ang gagawin. Magcocommit ka lang na gagawa ka ng isang healthy habit for 21 days at ipopost mo sa Facebook yung mga pictures na nagpapatunay ba ginagawa mo nga yung habit na yun. Si Kuya Judy, gusto niyang maging habit ang pagkain ng breakfast araw-araw. Di kasi siya kumakain talaga ng breakfast kasi maarti siya. Haha.

Ngayon, nasa ika-9 na araw na ko out of 21. Lahat ng sumali sa contest, may chance manalo ng bonus na iPhone 5S sa December. Pero syempre, di ako pwede manalo. Ang prize ko nalang is naging healthy ako kahit papaano at pag nabuo ko yung habit na yun, parang nanalo na rin ako. :)

Bet mo ba sumali at magcommit maging healthy gaya ni Kuya Judy? Go to www.unilabfoundation.org at basahin ang mechanics sa Volunteer Project na #HealthIsHappening. Go na teh! :)

PS. Birthday month ko na. Woohoo!

Love,

Kuya Judy xoxo

No comments :

Post a Comment