Tanong Kay Kuya Judy: Iniistalk Mo Ba Ang Bagong Syota ng Ex Mo?

2 comments
May tanong akong natanggap sa ask.fm/kuyajudy:

Question: Normal po ba na tignan/istalk ko ang bagong syota ng ex ko? Kung oo, nagawa mo na ba ito? Hindi naman ako nagseselos gusto ko lang makita ichura ng ipinalit nya sa akin. -Anonymous

This was posted 11 days ago. Haha. Sakto at meron akong topic for today habang hinihintay ko ang aking mga college friends dito sa MOA. Inaabangan na rin ito ng mga fans ko na sina Ira at Iris (hindi sila twins at hindi rin sila babae).

Salamat sa iyong katanungan. Masesegway ko ang panaginip ko kagabi. Napanaginipan ko kasi ang ex ko at nawindang ako dahil sumama daw ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit may ganung hugot yung dreams ko, eh halos limang taon na kaming hiwalay. Paki-explain.

Anyway, to answer your question, hindi naman sa "normal" ang pagsstalk sa bagong jowa ng ex mo. Para mo na ring hinalintulad yan sa kanormalan na mahaba ang pila sa MRT, o normal na humihinga ka dahil buhay ka. Hindi rin siya abnormal na tipong 1 out of 100 lang ang gumagawa.

Isa lang naman ang ex ko at hindi ko pa namimeet ang girlfriend niya. Hindi ko sila Facebook friends pareho kaya wala akong maistalk. Pero from what I know, alam ko okay naman sila.

Payong Kuya lang, wag mo naman siya or sila iistalk na para bang gusto mo pang makigulo sa lives nila. I have one word for you: hamona (hayaan mo na).

Hamona yung bagong jowa nya kung anong itsura niya, may magagawa ka ba?
Hamona sila kung anung ginagawa nila, bakit, inggit ka?
Hamona yung mga pics nila sa Facebook, baka ma-Like mo pa.

Imbis na istalk mo yung mga Facebook accounts nila, keep yourself busy doing worthwhile things nalang.

Sige ka, baka mapanaginipan mo pa yan. ;)

*wala pa ring dumadating sa mga inaantay kong friends*

Kuya Judy

2 comments :

  1. Hamona, Mahal! Love your advice. Speaking of ex, naganaginipan ko ang nag iisa kong ex kagabi. Namatay daw sya! No kidding. Pero I hope that it is a sign of phase in my life (or a bad habit?) that needs to end soon (wag namang relationship or job). Kudos, Kuya Judy! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wahaha! Baka last night is dream-about-your-ex night, di lang tayo nakareceive ng memo! Haha. Kaya pala panay ang comment mo, nakarelate ka pala. Hamona ang mga exes, let's celebrate our presents! Thanks for reading, mahal! :)

      Delete