"What Makes Kuya Judy Come Alive?"

1 comment
"What makes you come alive?"

Yan ang isa sa mga quotes na nakalagay sa PowerPoint Presentation ng aming Boss noong nag-salita siya sa Letran kanina. Napaisip tuloy ako: ano nga ba ang passion ni Kuya Judy?

Tumulong. Magpasaya. Mag-isip ng wild.

Para sa akin, yan ang tatlong bagay na gusto kong gawin at masaya kong gagawin habambuhay.

Tinext ako ng kapatid ko kanina na hindi daw siya prepared sa job interview na pinuntahan niya kanina. Hindi rin daw para sa kanya ang trabaho sa call center. Ang nireply ko lang sa kanya, "it's okay, don't worry. At least you tried." Yesh, englishera kaming magkapatid. Haha.

Kanina, sinimulan kong gawin ang dreamboard ko. Nilista ko muna ang mga pangarap ko sa buhay at natuwa naman ako na meron pala. Hehe.

Bukas, ipopost ko dito ang aking dreamboard ; ang mga pangarap ni Kuya Judy. Baka matulungan mo kong tuparin yung iba dun!

Pero sa ngayon, eto muna ang iiwan ko sayo:


Para sayo at para sa mga kapatid ko, gawin mo ang gusto mong gawin! Be brave! It's okay! :)


Hugs,

Kuya-slash-Ate Judy



1 comment :

  1. Ako po si Brigidor Dador isa ninyong masugid na tagahanga. Ang isang bagay po na nakapanunumbalik ng kasiglahan sa aking diwa ay ang pagtulong sa kapwa. Ang makapanumbalik ng kanilang mga ngiti (bagamat akoy hindi dentista) mula sa luklukan ng kapighatian lulong ng kahirapan, kapansanan, at pangungulila sa pagaruga. Kung ako po ay mamarapatin ng Diyos, ito po sana ang nais kong gawin sa mga nalalabi ko pang araw sa mundo.

    ReplyDelete