Kinainggitan si Kuya Judy sa Jeep!

3 comments
Ganun pala ang feeling ng kinaiinggitan ka.

Sumakay ako sa jeep pa-Project 8 bandang alas-otso y media na ng gabi. May dala akong isang paper bag, maya-maya, napansin kong nagtitinginan ang mga pasahero sa akin. Bawat sulyap nila sa akin ay parang may inggit na may halong pagkayamot.

Minasdan ko ang bawat isa sa kanila: si Ate, halatang pagod galing sa trabaho. Si Kuya, mukhang inaantay na ng kanyang asawa sa bahay. May ale rin na tila iniisip na ang parating na sweldo bukas. At may mama na napalunok nalang at mukhang iniisip na kung ano ang hapunan na hinanda ni Misis.

Lahat sila'y napatingin sa akin nang ako'y sumakay, at naramdaman ko na sa aking pag-upo, silang lahat ay inggit sa akin.

Malamang hindi ang gupit ko ang kinaiinggitan nila kasi medyo mahaba at kulot na ang bangs ko.

Di rin siguro ang bag ko, kasi medyo dugyot na kahit Jansport.

Di rin siguro ang fez ko kasi medyo oily na ako at medyo malago na ang kilay ko.

Di rin siguro nila alam na sikat si Kuya Judy online, no?

Alam niyo kung ano?

Pagsakay ko ng jeep, umalingasaw lang naman ang amoy ng bitbit kong paperbag... na naglalaman ng isang bucket ng Jollibee ChickenJoy. Sino ba namang hindi maglalaway? :)



Inggit ka no? ;)

Hindi na #ChickenSad,

Kuya Judy

3 comments :

  1. Muli, ako po si Brigidor Dador ang inyong masugid na tagahanga. Ako po ay hindi kumakain ng jolibee pero inggit po ako sa inyong kasikatan online.

    ReplyDelete
  2. Muli, ako po si Brigidor Dador ang inyong masugid na tagahanga. Ako po ay hindi kumakain ng jolibee pero inggit po ako sa inyong kasikatan online.

    ReplyDelete
  3. Wahaha. Hindi po ako sikat. Hehe. Pero salamat sa pagbabasa! :)

    ReplyDelete