Ang Saya Mabuhay sa Mundo!

1 comment
Ngayong gabi, nakakatuwa ang experience ni Kuya Judy.

Pasado alas-otso na nang umalis kami sa office. Kumaripas ako papuntang MRT dahil magkikita kami dapat ni Kevin para mag-dinner. Friday payday kasi, diba?! Kaya lang, may lakad ako bukas at 6AM ang aming calltime. Kaya naisip ko nalang, para hindi kami mahirapan pareho, uuwi nalang ako sa bahay at baka bukas nalang kami magkita. Sad.

Dahil gutom na ako, naghanap ako ng makakainan sa Boni. May Jollibee, McDo, at Wendy's. Meron ding Dine-In na Chooks to Go. Kaya lang, walang kumakain sa loob, parang nakaka-claustro. Sinilip ko sa Jollibee kaya lang walang macaroni soup, ang aking paborito. Sa Wendy's naman, nadala ako kasi sabi yung chili daw gawa sa tira-tirang patties. Ayoko naman ng McDo just because. Buti nalang at nakakita ako ng maliit na carinderia katabi ng Chooks to Go. Wala ring kumakain, pero malinis naman at maraming pagpipilian sa menu.

Dun ako nagkamali. Pasara na pala ang carinderia at kakaunti nalang ang available na ulam. May isang pirasong manok, limang pirasong barbeque, tatlong ulo ng pritong tilapia, at dalawang sunny side up. May isang tortang talong din na agad namang binili ng isang ate. Para akong na-hypnotize at inorder ko yung nag-iisang chicken kahit na alam kong kaninang hapon pa yun nandun. 70 ang isang order, may kasama nang kanin. Nanliwanag ang paningin ko nung offeran ako ni Kuya ng sili at kalamansi -- narealize kong tama ang desisyon ko!

Norma and Pepe's 1pc Chicken with Rice. Medyo maalat, pero pwede na!


Ayun, kumain ako ng mag-isa sa Norma and Pepe's Eatery sa Boni. Yung dalawang attendants ay isang babae at isang lalake. Di ko tuloy napigilan tanungin kung sila ba si Norma at si Pepe. Natawa ko nung sinabi nila, "hindi kami yun. Luma yung pangalan nila eh." Hahaha. Sa sobrang pagod ko at drained, pinatulan ko na yung tubig sa pitsel na inoffer nila, though di ko dapat papatulan yun on a normal day kasi baka madumi, maselan pa naman ang tiyan ko. Pero basta, gutom at pagod na ako at wala na akong concept ng malinis at madumi.

Pagkakain ko, sumakay na ako ng ordinary bus pauwi. Bente ang pamasahe at sa Bicutan ako ibababa. Sumasakay talaga ako ng ordinary bus, dahil matumal ang mga aircon bus na pa-Bicutan. Pointless naman kung mag-MRT ako kasi yun din ang ending ko, bus din pagbaba ng Ayala. Sanay akong sumakay ng bus at okay lang sa akin yun. Pagsakay ko ng bus, ngumuya ako ng isang pirasong chewing gum at nagbrainstorm with myself. Di ako makapag-blog eh, baka ako manakawan.

Pagbaba ko ng bus, naglakad ako papuntang sakayan ng tricycle. Ordinary tricycle lang din ang sinasakyan ko, hindi dahil wala akong pera, kundi dahil mahaba ang pila sa special ride. Otso pesos ang pamasahe hanggang sa labas ng subdivision namin. Naisip kong bumili ng pasalubong at nag-crave ako ng balut.

Bumili ako ng anim na balut sa aleng nagbebenta sa kanto. Humingi ako ng suka dahil masarap yun ihalo sa sabaw ng balut. Yum!

Noong ako'y naglalakad na papunta sa aming bahay, na-realize ko na, very payak ng buhay ko, no? Joke lang.

Ang naisip ko talaga, na someday, pag medyo matanda na ako at successful na -- CEO, Creative Director, or kung anumang posisyon -- ikkwento ko sa mga empleyado ko, sa mga anak ko, at sa mga apo ko, ang tungkol sa gabing ito. Na minsan sa buhay ko, yung mga simpleng bagay ang pumuno sa akin. Na hindi mo kailangan ng maraming pera para mabusog or sumaya or magpasaya. Na hindi mo kailangang magpanggap na mayaman ka para mahalin ka ng iba. Na minsan masayang mag-isa ka lang. Na okay lang madumihan. Na hindi kapintasan ang pagiging iba.

Masaya ako sa buhay ko. Kahit ganito lang muna kasimple, minsan nagigipit, minsan naman sobra-sobra. Parang kanina yung lunch namin, isang plato ng pasta, P320. Pero di ako halos nabusog. Haha. The irony of life.

Ang saya lang mabuhay at mag-decide para sa sarili mo.

Ang saya mabuhay sa mundong ito. Wag kang magpadaig sa kalungkutan.

Kuya Judy xoxo

1 comment :

  1. Magandang umaga. Ito po ulit si Brigidor Dador ang inyong masugid na tagahanga. Salamat sa inyong blog at ako ay napangiti at napahagikgik habang ninanamnam ang aking muting agahan. Naalala ko po nung ako pa ay nasa kolehiyo, kinain po ng ATM machine ang aking card. Noong panahon na yun wala ho akong perankahot isa kusing buti nalang po nung umuwi ako sa apartment ko nakahalughog po ako ng suma total na once pesos na tigbebente sinko mula sa singit-singit ng kama at lalagyan ng lapis. Dahil ho sa onse na yun ako ay nakakain ng mainit init na lugaw. Ang hindi lang po kagandahan ay ang karinderya ay may katabing trak ng basura na may karga. Pero ok na po yun kesa po umuwi pa ako sa Ayala Alabang sa bahay.

    ReplyDelete