Ang Lalaking Nakasalamin

No comments
Sabi ng isa kong kaopisina dati, bakit hindi na daw ako nagsusulat. Wala na daw silang mabasa. Haha.

Problema ko pa yun ngayon?! Haha.

Nagbabalik na ang inyong kinasasabikang Adventures of #KuyaJudy. Yehey! Chos. Hahaha.

Nde, yung totoo. Nandito na ako ulit para magkwento ng mga adventures ko recently.

Sisimulan ko sa pinaka-epic na kwento. Wala na atang tatalo pa sa pangyayaring ito:

Eksena sa opisina

Ito ay tungkol sa isang Sir na itago nalang natin sa pangalan na "Sir Edu."

Si Sir Edu ay nakasama ko na sa isang meeting -- isang beses palang. Pag naka-meeting ko na ang isang tao, ibig sabihin nakita na niya ko ng more than 30 minutes to 1 hour. Ibig sabihin rin nun na narinig na niya ko magsalita at nakita na rin niya ang mukha ko ng mej matagal.

Isang araw, pumasok si Sir Edu sa opisina namin at hinahanap ang boss ko. Busy ako noong oras na yun sa pagfa-Facebook (dahil trabaho ko yun). Dahil wala ang boss ko, sabi daw ni Sir Edu, baka pwede nalang daw niya makausap yung "lalaking nakasalamin na naka-meeting na niya dati."

Isa lang ang lalaking nakasalamin sa aming opisina. Bading pa nga eh. Pero di niya kilala si Sir Edu.

Sabi ng mga kaopisina ko kay Sir Edu na walang ibang lalaking nakasalamin sa office namin. Palabas na si Sir Edu nang naisipan kong tumayo.

Tumayo ako upang mag-unat-unat at mej makiusisa na rin. Pag labas ko ng cubicle namin, nakita ko nga si Sir Edu. Sabi ko sa sarili, "Uy, si Sir Edu! Naka-meeting ko na yan eh."

True enough, nilapitan ako ni Sir Edu. Naka-loose top ako, skinny jeans, doll shoes, earrings, at salamin. Nakita ko sa kanyang mga mata na sa loob-loob niya, naka-facepalm na siya at nagsasabing, "Oh. My. Gosh." Or may tulo siya ng pawis sa noo na parang sa mga anime. 

Ako nga yung "lalaking nakasalamin" na hinahanap niya. Huhuhu.

Tinatawanan ako ng mga kaopisina ko. Ayan kase. Pixie cut pa more ako eh. Kala ko ikina-Anne Hathaway ko 'to or JLaw.

Ang sakit-sakit, guyz. Naka-meeting ko na siya eh. Lam mo yun. Huhuhu.


Ktnxbye,

#KuyaJudy

No comments :

Post a Comment

Kuya Judy's "Humans of Facebook"

No comments
[Reposted from "One Time, Big Time" my pre-Kuya Judy days review blog.]

Isang araw, nagmamasid ako sa aking Facebook news feed, napansin ko, medyo nakakarami na 'tong mga taong 'to ah. Dumadami sila, in fairness! Eto yung 25 taong nakakatuwa (or nakakatawa), onli in da Peysbuk!

Yung mga taong...

1. Magpopost ng medyo vague na status tapos pag may nagcomment ng "ano yan?" or "bakit?" ang sagot, "secret."

2. Magcocomment sa status na wala namang connect, like, "te, pasahan mo ko ng load."

3. Nagcocomment sa picture ng baby na parang yung baby yung kinakausap. "Kamusta ka, baby boy?"

4. Magpapahayag ng opinyon about politics, current events in English pa, wrong grammar naman.

5. Magpopost ng picture kahit blurred or against the light.

6. Magpapalit ng profile picture tapos isa-isang pasasalamatan lahat ng nag-Like para umangat sa news feed.

7. Hindi nagrereply sa birthday greetings, kahit yung ineffortan.

8. Yung mga nagpapaka-creative na gumagawa ng collage, tapos ang liliit naman nung photos individually. Langkwents.

9. Araw-araw naguupload ng picture ng baby niya, tulog, gising, umiiyak, tumatawa, kumakain. Photo album ang solusyon dyan or scrapbook.

10. Magpopost ng "off to SM" pero selfie or OOTD lang naman talaga ang pakay.

11. Pinapangalandakan na religious siya, sa Facebook nagsusulat ng prayers. I-tag mo rin kaya si Lord.

12. Nagchecheck-in lang pag nasa lugar na pangmayaman.

13. Nang-aakit ng masasamang loob sa pamamagitan ng pagpopost ng "home alone" or pagchecheck-in sa "Lot 1, Blk 2 Chever st. Zone 3, Sitio 4, Brgy. 918, Diliman, Quezon City." Lagyan mo kaya ng kulay ng gate.

14. Sabik magkaron ng kakambal, doble doble pa yung picture, isa lang naman itsura. Kinaganda mo yan?!

15. Nagsa-status ng all caps na manloloko yung jowa niya tapos maya-maya mahal na mahal na niya ulit. Tapos bukas with pic na naka-kiss.

16. Hindi pa nakakaalis sa sumpa ng mga apps na "God wants you to know" at "Photo of the Day."

17. Akala mo walang pinagsamahan, kung maka-greet ng "happy birthday," "HBD" lang.

18. Di mo alam saan pinagkukukuha yung mga pinapang-comment na images.

19. Nagpopost ng mga picture ng sugat, tissue sa ilong, bandaid na may design. Gamutin mo, te! Di kami mahahawa kahit anung post mo nyan!

20. Naguupload ng isang album 174 photos sa iisang lugar lang with two other friends na panigurado may isang picture na ang posing ay "Bulag, Pipi, Bingi."

21. Muntik na lumampas sa character limit ng Facebook kasi wagas makakwento ng encounter niya with a masamang-loob. Ipa-blotter mo kaya.

22. Lakas maka-brightness tsaka Camera 360 sa picture pero sa personal...

23. Sini-screen shot pa yung mga sweet text messages or video call nilang magjowa. Tapos magugulat (worse, magagalit) yung boylet kasi di niya alam na inupload. Well, part of the surprise yun. Sweet diba?

24. Lahat na hinashtag! Best in Hashtag! I-push mo yan!

25. Nagtthrowback ng picture na siya lang yung maganda. HAHAHA.

And finally!

26. Ipi-PM ka pa talaga para ipa-Like yung picture nila ng jowa niya! Kalokah!

Talaga naman! Onli in da Peysbuk! :)

<3,
Kuya Judy

No comments :

Post a Comment

Benchinko na si #KuyaJudy!

No comments
Ang daming naganap nung 25th birthday ko.

Linggo.
Pinagluto ko ang pamilya ko ng pesto pasta at mashed potato with gravy. Bumili nalang ako ng isang buong manok at nagpadeliver ng dalawang box ng pizza.

Cooking Kuya Judy

Nag-improvise sila ng banana bread cake bilang hindi nila ko binilhan. Nabusog naman kami sa carbo-loading-themed party ko. Nag-Skype kami ni Papa at sabi niya pwede na ko mag-asawa! Haha. Nag-mahjong kami pagkatapos at nanalo ako! Pero binalato ko rin lahat sa Lola kong cute.

Lunes.
Hindi ko pa birthday, pero nagfifeeling na ako. Late na ako nakapasok ng office dahil sa pagod kong magluto ng pesto at mashed potato noong Linggo. Ang hirap kaya tantsahin kung luto na yung pasta! Nagbalat pa kami ng mga patatas ni Kevin.

Princess Sarah lang ang peg

Wala masyadong tao sa office, kaya hindi na ako nag-expect masyado na may biniu-brew silang surprise for me. Pero bilang kilala ko ang mga kaofficemate ko na magagaling sa last minute, inaamin kong umasa ako na baka meron akong banner, cake, at Amber's bukas. Baka lang naman.

Martes. Birthday ko na! Big deal sa akin ang birthday kaya feel na feel ko siya. Nagsuot ako ng medyo revealing top. Lol. Sinurprise ako ni Kevin ng masarap at legit na Sans Rival cake na Caramia! Nafeel niya na na-sad ako sa banana cake noong Linggo.

Thank you, Heart!

Pagdating ko ng office, syempre nagpalate ako ng ilang minutes para may chance pa silang ayusin yung mga pang-surprise nila na last minute. Pagpasok ko ng pinto, aba, may banner nga ako! Talaga tong mga kaopisina ko oh, napaka-predictable! Joke lang.

My pink banner that reads "Happy birthday, Ate Judy!"

Binati nila ako at nandun pa ang Boss namin. May beso ako at Sans Rival cake ulit! Binigyan naman ako ng asawa niya ng libro! Ang saya ko agad, kauumpisa palang ng araw! May regalo din sa akin ang aking Immediate Boss at may card pa! Ako na talaga! I heart birthdays!

Medyo humupa ang mga batian portion, pero sa Facebook, bumabaha ng "Happy birthday Kuya Judy" wall posts. Napapa-chuckle ako everytime may nagmemessage sa akin. Binati ako ng mga crush ko, mga may crush sakin, at mga fans. Nakakakilig!

Naging busy ako panandalian sa trabaho (sana) at di ko namalayan na tanghalian na. Not until binuko ni Vico na may spaghetti at chicken sa loob ng meeting room namin. Pagtayo ko sa upuan, kumanta na silang lahat, at konti nalang, na-tears na ako. Buti nalang macho ako.

Ayun na nga at pasitib! May Amber's nga! May spaghetti, chicken, pichi-pichi, at chocolate cake! Pang-apat na cake ko na 'to! Salamat sa mga sponsors! Ayaw pa nila magsimula kumain, yun pala, may programa pa! Pakana ni Samantha. Ginawan nila ako ng debut, na parang may 18 Roses. Pinagsuot pa ako ng palda! Nakakatuwa!

My ULF team. ♥

Pagtapos sumayaw at magpicturan, sabi ko magsikain na sila. Ayaw pa rin nila at pinatay
pa ang ilaw! Aba, eto ang hindi ko inexpect. May pa-video pa! Grabe talaga, masyado nila akong mahal!

Puro pictures ko na pinakatatago ang lumabas sa video, kasama ang mga mensahe ng mga kaopisina namin na nasa Arizona, Singapore, at Maynila. Nakaka-tears! Love na love ako!

Kumain na kami pagtapos. Actually, may card pa silang binigay na may magandang drawing at maraming mensahe. Ang saya! Onting trabaho, tapos umuwi na rin kami.



Naglakad ako papunta sa St. Francis of Assisi Church sa may Shaw. Maswerte ako na naabutan ko pa ang final blessing kahit papaano. Umuwi na ako pagka-bless ko kay Father.

Blessed!

Nagkita kami ni Kevin at pinagluto niya ako ng Beef and Mushroom Pasta with Bacon at sandamakmak na parmesan. Sarap! Kinain din namin yung cake, habang nanonood ng Most Wanted Man.

Luto ni Kevin! Pwede ka na rin mag-asawa. Haha. 

Di pa rin humuhupa ang mga pagbati sa Facebook! Lampas 150 ata ang bumati sa akin. Pero, 900+ ang Facebook friends ko. Anyare?! Okay lang, ang mahalaga naman eh naalala ako ng mga tunay kong kaibigan.

Miyerkules. Unang araw ko bilang isang 25-year-old woman. Iba ang pakiramdam, parang bagong simula. Buong araw akong nagtrabaho ng walang distraction, at ang dami kong natapos. Nakapag-Zumba pa ako! Pagbalik ko sa office, nagtrabaho pa ng onti. Umuwi ako mag-9 na ng gabi.

Masayang-masaya ako ngayong taong ito dahil ang daming bagay ang nag-fall into place para ganito ang maramdaman ko. Masaya ako sa trabaho ko, sa pinagtatrabahuan ko, sa mga katrabaho ko. Masaya ang pamilya ko. Masaya ang puso ko dahil kay Kevin. Yiee. At siyempre, ramdam ko na mahal ako ni Lord. Salamat po. Salamat sa inyong lahat!

Eto ang regalo ko sa inyo: Di ko papahabain ang hair ko. I'll still be your poging-poging #KuyaJudy this 2015. :)

Mahal ko kayong lahat,

Kuya Judy

No comments :

Post a Comment

Overheard sa MRT: Seven Words Para Mapa-Shut Up Ang Isang Lalake

No comments
When in MRT, hindi maiiwasang magkasakitan at magkainitan. I'm sitting in front of the bravest Ateng MRT passenger ever. Bakit sya brave?

Scenario: Nasasandalan siya ng isang Kuyang MRT passenger.

Ateng Brave: (in her calm voice, nakatalikod lang kay Kuyang Sandal) Ang bigat mo Kuya eh.
Kuyang Sandal : (medyo palaban at pabiro kasi kasama niya girlfriend niya) Ah kasi umaandar. Ganun talaga, tren to eh.
Ateng Brave: (still in her calm voice, not looking pa din to Kuya) Tumigil ka na. Baka masapak pa kita.
Kuyang Sandal: . . . . . . . .

There you have it, guys. With just seven words, Ateng Brave made Kuyang Sandal shut up.

Nagmamatyag.

Kuya Judy


No comments :

Post a Comment

Ang NBI Clearance at ang Mamamayang Pilipino, bow.

No comments
Ang pagkuha ng NBI Clearance sa Satellite Office ng Quezon City Hall ay microcosm ng Pilipinas. Sa pagpila ko ng halos limang oras na, ito ang napagtanto ko.

Isang ordinaryong Huwebes sa Quezon City Hall

1. Matiyaga ang mga Pilipino. Gigising ng maaga, isasakripisyo ang isang araw para tumayo at maghintay. Alas kwatro palang nakapila na ang iba. Apat na oras ang bubunuin para lang maging una sa pila.

2. Madiskarte ang mga Pilipino. Lahat ng pwedeng pagkakitaan ng pera, ginagawa. May nagbebenta ng black ballpen, with matching advertisement na black ballpen lang ang tinatanggap. May "erase erase ballpen" o nagaalok ng unli-pahid ng correction fluid sa mga nagkamali sa pagsulat sa form. Ika pa ng isang tindero, lahat naman tayo nagkakamali.

3. Matiisin ang mga Pilipino. Kahit gaano kahaba ang pila, pupunta at pupunta pa rin sa dulo.

4. Masayahin ang mga Pilipino. Kahit na umaambon, kulang sa tulog, gutom, masakit ang paa sa katatayo, nagagawa pa ring ngumiti, magbiro at makipagkwentuhan.

5. Mapagmahal ang mga Pilipino. May mga kasama pang ina, kapatid, asawa, girlfriend ang mga iba, handang maghintay makasama lamang sila. Haha.

6. May kaunting katamaran nga lang ang mga Pilipino. "Bahala na," "Sundan nalang natin ang pila," "May mag-aassist naman YATA dun sa loob," "Sana nasa unahan na ako," yan ang mga kadalasang maririnig mo sa mga nagaantay sa pila. Imbis na tumayo at magtanong, aantayin nalang nilang dumating ang problema sa buhay nila tsaka lang ito sosolusyunan.

7. Matiisin ang mga Pilipino, kahit hindi naman nila deserve ito. Ilang oras man ang pila, titiisin nila. Nakakaawang tingnan na wala tayong magawa kundi maging alipin ng bulok na sistema ng gobyerno na imbis na umaabante sa takbo ng panahon, ay lalo pang nagigingpabaya at walang pakialam sa paghihirap ng kapwa Pilipino.

8. Kumakapit sa patalim ang mga Pilipino. Minsan, yung iba ay nagpapadala sa mabilis ngunit maduming proseso kung saan kinakalimutan nila ang integridad at ginagawa ang hindi dapat gawin para lamang hindi na sila mahirapan. Sa ganitong paguugali ng mga Pilipino babagsak ang Pilipinas.

9. Manhid, tikom ang bibig, at bulag na ang mga Pilipino. Kahit anong paniningit sa pila, pagsuway sa sistema, pandaraya ang nakikita nila ng harapan, minsan tinitikom nalang nila ang kanilang mga bibig, umiiwas ng tingin, at hinahayaan na lamang nila na sila ay lamangan, hindi dahil okay lang sa kanila, ngunit dahil hindi nila kayang lumaban. Kakaunti lamang ang mga Pilipinong matatapang. Paano na ang Pilipinas.

10. Mabagal ang pag-usad ng Pilipino. Maging ito man ay dahil sa nagpapatakbo ng gobyerno, o dahil sa mga mamamayang Pilipino, napakabagal ng pag-asenso. Naghihilahan pababa. Natutuwang makakita ng napapahiya. Imbis na tumulong sa kapwa, nag-iinggitan at nagkakahusgahan.

Sa katapus-tapusan, mapagpasalamat ang mga Pilipino. Malampasan lamang ang lahat ng hirap, sakit, pandarambong at trahedya, ngingiti at babangon muli ang mga Pilipino. Hindi dahil nakalimutan na nila, kundi dahil nanaig sila.

Isa-isa lang, Pilipino. Matatapos rin ang paghihirap mo.

Nagmamahal,

Kuya Judy

No comments :

Post a Comment

Si Lolo Pedro

No comments
Kagabi, past 9 na kami nakauwi ng mga officemates ko. Pauwi ako ng ParaƱaque kaya bus ang sasakyan ko. Pagbaba ko ng MRT Boni at papunta sa antayan ng bus, biglang pumatak ang ulan.

Binuksan ko ang aking payong at nakita ko ang isang lolo, marahil nasa 70 years old na siya sa tantsa ko, na walang payong at nakasuot lang ng sumbrero. Maayos siya, malinis, at mukang pauwi siya mula sa isang kamag-anak na binisita o nagpa-check up sa doktor.

Agad ko siyang pinayungan bilang instinct lang naman. "Ay, thank you," kanyang isinagot. Natuwa naman ako na hindi niya tinanggihan ang pag-offer ko ng payong ko sa kanya.

"Saan ka papunta?" sabi ni Lolo. "Sa Bicutan po ako. Kayo?" sagot ko. "Sa FTI ako. Sayang hindi tayo pareho ng pupuntahan," ani niya. Ika niya, alas-singko y media pa siya nagaantay ng bus. "Grabe itong araw na ito. Ang lakas ng ulan kanina kaya stranded ang mga pasahero," kwento niya. "Opo nga po eh. Saan po kayo galing?" tanong ko. "Sa opisina," sabi niya.

Nagulat ako na nagtatrabaho pa siya! Sabi niya sa opisina daw ng Senior Citizens ng Mandaluyong siya nagtatrabaho. Sa Security daw siya. Nabilib ako dahil feeling ko ang tanda na niya talaga pero narito siya, pauwi galing sa opisina.

"Saan ka galing?" tanong naman ni Lolo. Sabi ko sa Unilab Foundation ako nagtatrabaho. "Ah, sa United Laboratories? Mahusay na kumpanya yan. Napakabait ni Campos," sabi niya. Nakakatawa ang sunod kong tanong. "Ah, naabutan niyo po siya?" Haha. Malamang diba.

Wala pa ring dumadating na bus na pa- FTI. Kung meron man, punong-puno ito hanggang pintuan. Tuwing may dadating na FTi na bus, pinapara ko ngunit hindi na magkakasya si Lolo. Parang di na niya kaya sumabit kaya sabi ko "sa susunod nalang pong bus, Tay."

Naisip kong mag-taxi na lamang at ihatid siya sa kanila. Ngunit matumal din ang mga dumadaang taxi. "Sa Alabang ba na bus pwede ka?" tanong niya sa akin. Sabi ko hindi ako pwede dahil malayo na yun. Maya-maya, tinanong niya ako ulit, "Sa Alabang ba na bus, pwede ka sumakay?"

Patuloy ang patak ng ulan. Alas-10 na ng gabi, di pa rin kami nakakasakay. Tinanong ko kung kumain na siya ng hapunan, hindi pa raw. "Sanay na rin tayo," bulong niya. Bawat bus na dumadaan, binabasa namin ang placard ng sabay, umaasa na may FTI. "Sumakay ka na kung may bus ka na ha," bilin niya. Sabi ko wala pang bus na pa-Bicutan na kasya ako. Puno rin lahat.

Tinanong niya ako ulit, "yang Alabang ba na bus, pwede ka diyan?" Naalala ko ang aking lolo't lola na pagkakakulit kung tanungin ako kung gusto ko uminom ng Milo tuwing agahan. "Hindi po ako pwede diyan eh," sagot ko.

Hanggang sa may dumating na bus, air-conditioned, na papuntang Bicutan. Maluwag pa ito at pwede na akong sumakay at iwan siya kung gusto ko. Pinilit ko nalang siyang sumakay na rin at sabi ko sumakay nalang siya ng jeep sa Bicutan papuntang FTI. Pumayag siya. Nakasakay na kami ng bus.

Pagsakay namin though, puno na pala. Wala nang upuan. Kinapalan ko na ang mukha ko at tinapik ko ang isang kuyang nakaupo at sinabing paupuin niya si Tatay. Salamat sa kanya, at nakaupo si Lolo. Agad-agad nilabas ni Lolo ang pera niya sa kanyang bulsa. Suma total 90 pesos ang dala niya. Nilabas niya ang 50 pesos niya at sinabing "Ako na."

Syempre di ako papayag. Haha. Buti nalang at yung konduktor sa likod ko nanggaling. Matagal ang biyahe namin ngunit okay lang dahil nakaupo naman si Lolo. At least.

Pasado alas onse na nung dumating kami sa Bicutan. Umakyat kami ng overpass at sabi niya 10 years ago pa siya huling nakaakyat sa overpass na yun. Takot ko lang na baka maligaw o madulas si Lolo, sinamahan ko siya hanggang sa sakayan ng jeep pa-Tenement. Sasakay pa daw siya ng tricycle pa-looban pagbaba niya ng jeep.

Tinanong ko siya kung kaya niya pa maglakad, bilang ang haba ng overpass. "Oo naman, kaya pa," ang sabi niya. Tinanong ko kung ilang taon na siya. Hindi ako handa sa naging sagot niya. "80."

Nagulat ako ngunit mas nalungkot ako dahil dapat sa edad niyang yan, nasa bahay nalang siya at nagpapahinga. Pero hindi. Alas onse ng gabi at eto kami, naglalakad pauwi galing sa opisina. 8 to 5 din daw ang pasok niya. So ilang oras lang mula noon, makikipagsapalaran na ulit siya sa pagsakay ng bus.

Nakakita ako ng jeep na Tenement at pinara ko ito. Tinanong ko siya, "ano pong pangalan niyo?" "Pedro Robles," sabi niya. Nagpakilala rin ako at sabi pa niya, "Nako, bigatin ang mga Santiago." Haha. Tanong niya bago siya sumakay ng jeep, "Hapon-hapon ka ba dun sa may Boni? Magkikita nalang tayo ulit doon." Sabi ko ginagabi na ako ng uwi. Binigyan ko siya ng calling card ko para lang mapanatag ako na okay siya. "Ayan mabuti," sabi niya.

Paandar na yung jeep, kinatok ko at tumigil ulit ito. Pinasakay ko na si Lolo Pedro. Sabi ko mag-ingat siya, at kinonfirm ko sa driver kung pa-Tenement nga iyon. Nakita ko siya sa loob ng jeep, sinuksok niya yung calling card ko sa bulsa niya, at nilabas ang perang pambayad. Nakita kong tinanong niya pa yung mga pasahero kung pa-Tenement nga ba iyon. Tumango naman ang aleng katabi niya.

Umakyat na ako ng overpass at umuwi. Nakakalungkot lang na kailangan pang magtrabaho ni Lolo Pedro kahit otsenta na siya. Okay lang sana yun eh, kaso sa bawat araw na papasok siya, nararanasan rin niya lahat ng hirap na dinaranas ko. Eh nagrereklamo na nga ako diba? Paano pa siya? Paano pa ang ibang Lolo Pedro sa Pilipinas?

Sana nakauwi siya ng maayos. Inaantay siya ng kapatid niya.


Kuya Judy

No comments :

Post a Comment

Papansin na naman si Kuya Judy

No comments
Bakit nga ba post ng post si Kuya Judy ng breakfast niya? Dami pang nilalagay na hashtag.

Sumali kasi ako sa pinakabagong online movement ng Unilab Foundation, na kung tawagin eh #HealthIsHappening. Simple lang naman kasi ang gagawin. Magcocommit ka lang na gagawa ka ng isang healthy habit for 21 days at ipopost mo sa Facebook yung mga pictures na nagpapatunay ba ginagawa mo nga yung habit na yun. Si Kuya Judy, gusto niyang maging habit ang pagkain ng breakfast araw-araw. Di kasi siya kumakain talaga ng breakfast kasi maarti siya. Haha.

Ngayon, nasa ika-9 na araw na ko out of 21. Lahat ng sumali sa contest, may chance manalo ng bonus na iPhone 5S sa December. Pero syempre, di ako pwede manalo. Ang prize ko nalang is naging healthy ako kahit papaano at pag nabuo ko yung habit na yun, parang nanalo na rin ako. :)

Bet mo ba sumali at magcommit maging healthy gaya ni Kuya Judy? Go to www.unilabfoundation.org at basahin ang mechanics sa Volunteer Project na #HealthIsHappening. Go na teh! :)

PS. Birthday month ko na. Woohoo!

Love,

Kuya Judy xoxo

No comments :

Post a Comment

Kuwentong Komyut: Si Beh

No comments
So I was wearing white shirt, hot pink pants, and bubuyog shades kanina sa jeep. May Kuya sa tapat ko na medyo gwapo, malinis tingnan at mukhang may stable job naman. Napapansin kong tingin siya ng tingin sa akin, at bilang inassume ko na obvious naman na girl ako today, with my pink earrings, pink bag, and pink cellphone, baka crush niya ko. Baka lang naman.

Dumating kami sa first jeepney stop at nagbabaan yung mga katabi ko. Aba, lumipat si Kuya sa tabi ko at mega siksik siya. Keber keber lang ako though. Until, nag-ring ang phone ni Kuya.

Kuya: Beh, malapit na ko sa MoA. Ikaw?
Beh: (Siyempre di ko marinig)
Kuya: Kita nalang tayo sa may flower shop ha? See yah! Excited na kong makita ka. Hihihi. Sige babye, I love you beh!

I died at "See yah!"

Nung dumating na kami sa MRT Taft, sabi ni Kuya sakin, "hanggang dito nalang po ba to?"

Sabi ko, "hanggang dun pa. Pero di aabot ng MoA."

Bumaba si Kuya at naglakad. Naconfeeerm ko ang lahat ng kumandirit siya pasakay ng jeep papuntang MoA.

Day, all this time pala, mas Kuya pa ako sa kanya. :/

PS. By this time magkasama na sila ni Beh. Hihihi

*facepalm*

Kuya Judy

PPS. Happy birthday sa aking Beh na si Stephen King! Hugs! :)

No comments :

Post a Comment

What people riding the MRT say (and what they actually mean)

No comments
Sa araw-araw na sumasakay ako ng MRT mag-isa, eto lang yung mga words na naririnig ko. Pero alam kong may deeper meaning ang lahat...

1. "Excuse me." - Tutulak na kita ha? Ayaw mo gumalaw eh.
2. "Wala nang space. Di na kasya." - Tinatamad na kong gumalaw, comfy na ko dito eh. May next train naman.
3. "Tsk." - P@$*@&!^!^!^ naman oh!
4. "Thanks ha." - Buti naman naisipan mo kong paupuin. Kailangan pa bang iprotrude yung tiyan ko.
5. "Miss, paurong naman ng konti." - Ang laki kasi ng legs mo, dapat pang-animan to eh.
6. "Ouch." - Sheeeet. Bagong pedi ako!!!
7. "Ay sorry." - Harang-harang ka kasi. Mag-taxi ka kung ayaw mong makipagsiksikan!
8. "Hay." - Ano bang nagawa ko sa mundo at bakit ganito ang kalagayan ko. :(
9. "Whew." - Sa wakas, nakababa rin.

No comments :

Post a Comment

Tanong Kay Kuya Judy: Iniistalk Mo Ba Ang Bagong Syota ng Ex Mo?

2 comments
May tanong akong natanggap sa ask.fm/kuyajudy:

Question: Normal po ba na tignan/istalk ko ang bagong syota ng ex ko? Kung oo, nagawa mo na ba ito? Hindi naman ako nagseselos gusto ko lang makita ichura ng ipinalit nya sa akin. -Anonymous

This was posted 11 days ago. Haha. Sakto at meron akong topic for today habang hinihintay ko ang aking mga college friends dito sa MOA. Inaabangan na rin ito ng mga fans ko na sina Ira at Iris (hindi sila twins at hindi rin sila babae).

Salamat sa iyong katanungan. Masesegway ko ang panaginip ko kagabi. Napanaginipan ko kasi ang ex ko at nawindang ako dahil sumama daw ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit may ganung hugot yung dreams ko, eh halos limang taon na kaming hiwalay. Paki-explain.

Anyway, to answer your question, hindi naman sa "normal" ang pagsstalk sa bagong jowa ng ex mo. Para mo na ring hinalintulad yan sa kanormalan na mahaba ang pila sa MRT, o normal na humihinga ka dahil buhay ka. Hindi rin siya abnormal na tipong 1 out of 100 lang ang gumagawa.

Isa lang naman ang ex ko at hindi ko pa namimeet ang girlfriend niya. Hindi ko sila Facebook friends pareho kaya wala akong maistalk. Pero from what I know, alam ko okay naman sila.

Payong Kuya lang, wag mo naman siya or sila iistalk na para bang gusto mo pang makigulo sa lives nila. I have one word for you: hamona (hayaan mo na).

Hamona yung bagong jowa nya kung anong itsura niya, may magagawa ka ba?
Hamona sila kung anung ginagawa nila, bakit, inggit ka?
Hamona yung mga pics nila sa Facebook, baka ma-Like mo pa.

Imbis na istalk mo yung mga Facebook accounts nila, keep yourself busy doing worthwhile things nalang.

Sige ka, baka mapanaginipan mo pa yan. ;)

*wala pa ring dumadating sa mga inaantay kong friends*

Kuya Judy

2 comments :

Post a Comment

10 Tips While Watching Gilas Pilipinas Games on FIBA World Cup 2014

No comments
HANGGANDA ng laban kagabi ng Gilas Pilipinas vs. Argentina. Lakas maka-proud to be Pinoy! Sa mga hindi nakakapanood, manood na kayo at maghanap ng livestream sa next game nila bukas, Sept. 3. You're missing half of your life!

Sa mga #puyat kagabi at nung isang araw kanonood, eto ang mga tips ni Kuya Judy para sa inyo, for your ultimate viewing pleasure.

1. Be on time. Umihi or mag-number two ahead. Kundi more than 20 minutes pa aantayin mo bago mag-halftime.
2. Concentrate on the game. Mamaya mo na basahin at i-like yung mga real-time update ng mga friends mong nagtuturn into sports analysts sa Facebook.
3. Savor the experience. Lakasan mo yung volume ng TV kahit gabi na. Patayin mo yung ilaw para kunwari home theater! Loser kasi yung mga tulog na.
4. Watch without parental guidance. Kasi minsan mapapamura ka talaga. Ng malutong. :P
5. Be armed. Ilabas ang camera phone para picturan yung mga 2-12 na lamang ng Gilas. Historic yun. Daming likes nyan pag inupload.

Eto ang definition ng #BoomPanes

6. Prepare your heart. For extreme happiness or you know, heartbreak.
7. Stay safe. Ilayo ang mga nababasag na bagay at baka biglang magliparan pag naka-3 points yung kalaban.
8. Be discreet. Lalo na pag kasama mo manood yung jowa or jusawa mo. Baka mapasigaw ka ng "I love you, Alapag!" or "Ang hot mo, Blatche!" This applies to boys and girls.
9. Stay positive. Wag kang nega. Gilas kaya yan! #Puso!
10. Enjoy the game! Woohoo! At kinabukasan, i-chika mo sa Kuya Guard or Manong Driver na nanood ka rin. :)

Congrats #GilasPilipinas for doing a great, great job on your first three games in FIBA World Cup 2014. Ika nga ni Yeng Guiao, don't focus on the losses, focus on how they fought. #Puso! :)

Ang inyong ultimate fangirl/boy/bakla/tomboy,

Kuya Judy

No comments :

Post a Comment

Overheard ni Kuya Judy: Tricycle Ride Episode 1

2 comments
Bilang isang commuter, hindi ko maiwasan na madami akong mga na-o-overheard na usapan ng co-commuters ko.

Kagabi, nakasakay ako sa tricycle sa may likod ng driver. Nasa gitna ako ng driver at isang Kuyang Pasahero na apparently, friend ng driver. At eto ang unexpected conversation na narinig ko sa kanila.

Tricycle Driver (TD): Drayber lang ako pero i have a lot of... a lot of praise in God.
Kuyang Pasahero (KP): Kamusta ka naman friend?
TD: Eto... naka-move on na.
KP: Bakit ano bang nangyari sayo?
TD: Ano ka ba... Yung asawa ko, nasa abroad, ayun, nag-asawa na dun.
KP: Aba hindi ata nakwento sakin ni Pareng Willy yan ah! Sa bagay, mas maganda namang sayo na nanggaling. Okay lang yan, madami namang babae sa mundo.
TD: Oo nga, madami nga. Pero iba yung asawa eh. Kasal kami nun 'pre. Iba yung nirerespect mo bilang asawa mo.
KP: Pero nasayo naman yung mga bata?
TD: Oo. Nasa akin. (pauses)
Grabe yun pare. Yun yung mga taong dapat binabaril sa Luneta eh.

#medyoharsh #medyomaypoint

---

Kaya ikaw, ika nga nila, be kind, for everyone you meet is fighting a harder battle. :)


Til next episode!

Kuya Judy xoxo

2 comments :

Post a Comment

Bakit Hindi Nag-Ice Bucket Challenge si Kuya Judy

No comments
Noong isang araw, ninominate ako ng kaibigan ko para gawin ang ice bucket challenge. Lumipas na ang 24 hours at hindi ko pa ginagawa ito. Bakit? Eto ang anim na rason ko:

1. Sayang ang ice. Ang tagal niyang nagpatigas tapos sasayangin ko lang siya. Wag ganun.
2. Gusto niyo ba talagang makita muna akong basa bago kayo maging aware sa sakit na ALS at magdonate?
3. Shinare ko na yung ice bucket challenge ni Stephen King sa Facebook ko. So bat kailangan may version din ako?
4. Panigurado pag nagbuhos ako ng malamig na tubig sa ulo ko, titili ako or magtatatalon. Kailangan bang may visuals pa?
5. Nagtrabaho at nagtatrabaho ako para sa mga foundations. Yung current, may layuning maging mas malusog ang Pilipinas. Next level nun, mas malusog na US, mundo. We'll get there.
6. KJ ako at inooverthink ko ang lahat. Ano ba ang science behind ng ice bucket challenge? Hindi ba mas makakatulong ako kung ilagay ko nalang dito yung links?

Go to alsa.org to know more about ALS. Hindi ko na kailangang makilevel kina Obama, Channing Tatum, at Lady Gaga. Magdonate ka nalang ng payapa. At tsaka, lahat ba ng nagnonominate, nagdonate?

*ayaw sumama sa bandwagon*

Kuya Judy

PS.

Peace. :)

No comments :

Post a Comment

Bakit Hindi Ka na Dapat Mag-MRT

No comments
Disclaimer: Late post na ito. Sinulat ko ito habang nakasakay sa bus papuntang office dahil akala ko option ang pagsakay ng bus. Pero hindi ko pinublish. Read nalang until the Friendly Note below to know why.

---

Pasensya na kung hindi ako nakapagblog kagabi. Nag-brainstorming kami ng Comms team sa Sentro 1771 sa Capitol Commons. Mahaba ang aming agenda kaya naubos ang brain cells ko. Mabuti nalang at sinundo ako ni Kevin dala si Getzy.

After 8 hours of pure brainstorming. 

August 20, 2014. Good morning! Bukas ay Ninoy Aquino Day kaya feeling ng mga tao Friday na ngayon. Medyo late na nagsibangon, kaya tuloy sabay-sabay sa MRT. Sobrang haba ng pila sa MRT kaya pinili kong sumakay nalang ng bus. Simula Lunes, sobrang haba palagi ng pila sa MRT. Kaya sa araw na ito, inalam ko kung option bang maituturing ang pagsakay ng bus kung mahaba ang pila sa MRT?

Sample ng pila sa MRT North EDSA. Maiksi pa yan.


Oo, option ang pagsakay ng bus. Ang pagpila sa MRT ay aabutin ng 30 minutes to 1 hour depende sa oras. Ang rush hour talaga ay simula 7AM hanggang 9AM at 5PM-7PM Kung ang pila sa MRT ay lampas 500 meters, mag-bus ka na.

Eto ang mga benefits ng pagsakay ng bus, base sa aking experience ngayon:

1. Imbis na mag-antay ka sa pilang mainit at mausok, sumakay ka nalang ng aircon bus. Makakanood ka pa ng Doraemon at Ghost Fighter.

2. Kahit nagaantay ka dahil traffic, at least sa bus nakaupo ka. Pwede ka pa mag-Spotify. Kung southbound ka, sa Cubao lang naman nagsisikip ang traffic. Kung northbound ka naman, sa Magallanes.

3. Di mo na kailangang makipagsiksikan sa mga pasahero ng MRT na minsan nakakalimutan nilang tao sila at may manners din. Nagiging alipin sila ng oras kaya nagiging violent sila minsan.

4. Pag nag-bus ka, one less MRT passenger, so nakatulong ka sa mga nangangailangan ng space. Parang mga boyfriends lang. Haha.

5. Kung magkaka-technical problems man sa MRT, at least di ka kasama. Tiyakin lang na ang sasakyan mong bus ay walang reputasyon ng pagiging accident-prone. Or basta magdasal ka nalang.

Kung gusto mo sumakay ng MRT, it's either aagahan mo talaga or magpapalate ka.

Kelan ka pwedeng sumakay ng MRT na hindi ka mahahassle? Sa tanan ng buhay ko, maluwag lang ang MRT tuwing:

- holiday
- 5AM-6AM, 2PM-4PM, 9PM-10PM
- summer at walang pasok ang mga bagets
- pag sarado na

Mag-bus ka nalang!

Friendly Note: Inabot ako ng 2 hours sa bus, kaya hindi ko na pinublish ito. Haha. Kung nag-MRT ako siguro 1.5 hours lang. Bahala ka na. May choice ka naman. Haha.

*nagreready sa muling pagsabak sa MRT bukas*

Kuya Judy




No comments :

Post a Comment

Girl, Boy, Bakla, Tomboy?

No comments
Kaninang umaga sa MRT, naramdaman ko ang feeling ng pagiging iba.

Kakaiba ang buhok ni Kuya Judy, at parang hindi handa ang mga tao na makakita ng isang babaeng naka-sleeveless at sexy, ngunit may kulay ang buhok at panlalake ang gupit -- on a Monday morning.

Marami ang nagulat, ang iba naman ay namangha. May onting parang hindi matanggap ang kanyang nakikita. 

"Bakit nga ba ganun na lamang ang gupit ng babaeng iyon? Tibo ba siya? O di kaya bakla?" Yan ang feeling kong tumatakbo sa isipan nila.

Hanggang sa nanggaling na sa aking boss na nagmukha nga akong miyembro ng LGBT dahil sa aking gupit -- mamili ka nalang kung alin sa apat na letra. Pero tanggap naman ako ni Kevin, at ng marami pang iba. Haha.

Tuwing ako'y tinatanong kung "bakit nga ba?" Ang sagot ko lang, "masama ba maging iba?"

Pero dahil game ako sa lahat ng bagay, nagpicture nalang kami ng mga kaopisina kong brightgays. Spot the difference nalang, mga teh. ;)

Brightgays feat. Kuya Judy



*nagpplantsa ng mga skirts at dresses*


Kuya Judy xoxo

No comments :

Post a Comment

Bagong Gupit at Kulay si Kuya Judy!!!

No comments
Overheard in Infinitea Maginhawa:

Girl 1: Uwi na tayo. May exam pa bukas.
Boy 1: Ano ka ba, di ka babagsak sa isang exam lang, sinasabi ko sayo. Promise.
Me: (sa loob-loob ko lang naman) Eh pano kung UPCAT? Haha.

---

This is the day that the Lord has made. Dumayo pa ako ng SM North EDSA para magpagupit sa Bench Fix sa The Block. Andun kasi ang aking official stylist na si Roma. Siya ang gumupit sa akin ng perfect Kris Aquino pixie cut, at mula noon, only Roma touches my hair. Haha.

So ayun nga, awa ng Diyos andun si Roma kundi sayang ang biyahe ko from Paranaque to QC. Two months ago ang last visit ko sa kanya. Yung huling gupit ko, kamukha nung gupit niya two months ago. So almost identical na yung hair namin kanina. Tinanong niya kung anong gusto kong gupit, sabi ko, ubusin mo na! Haha.

Sabi niya magpakulay daw ako, sakto may promo sila sa kanilang hair color. P1440 nalang instead of P1800. Ang maganda pa dun, nilibre na niya yung gupit ko. P300 ang gupit ko pero di na niya pinabayaran. Yung color nalang talaga. Ang bait!

Gusto niya i-light brown yung hair ko or i-reddish brown. Actually, ang gusto ko talagang hair color sana ay blue katulad nung bida sa Blue is the Warmest Color. Haha.

Eto sana ang gusto kong hair color. Maybe next time.
Siya na ang pinapili ko ng color. Pinaubaya ko na rin sa kanya kung anong klaseng gupit ang gagawin sa akin. Feeling ko kahit ano namang klaseng gupit okay lang kasi wala na akong qualms sa gupit ko. Tsaka gusto ko medyo kakaiba naman para hindi boring. Hehe.

Ayun, ginupitan at kinulayan ni Roma ang buhok ni Kuya Judy. At eto ang naging resulta:

My new hairrrrrr!

With Roma of Bench Fix SM The Block

Ansabeh parehas pa kaming naka-violet. Hehe. Bet niyo ba ang new hair ni Kuya Judy? Kung yes, punta na kayo sa Bench Fix Salon sa SM North EDSA The Block at hanapin si Roma! Siya ang expert sa pixie cut!

True enough, habang nagsstrolling kami ni Kevin sa SM, napapatingin ang mga tao sa hair ko. Sa CR nga ng girls, parang nawiwindang sila. Haha. Hay, panibagong pagpuprove na naman 'to na babae ako. Hahaha.


*busy sa paglalabas ng mga skirts at dresses*

Kuya Judy xoxo

No comments :

Post a Comment

Dalawang Fans ni Kuya Judy, Huli sa Akto! :)

No comments
Bago ang lahat, gusto ko lang i-feature ang aking dalawang fans na tunay namang sumusubaybay at nagbabasa ng mga Adventures ni Kuya Judy. Kayo ang aking inspirasyon para magpatuloy sa industriyang ito. Hahaha.

Si Dr. Carpi na isinabay sa kanyang pagkakape ang pagbabasa ng aking blog, salamat! (Photo by Mrs. Carpi)

Ang aking Lola na tinigil ang pagmamahjong para lang magbasa ng latest post ni Kuya Judy. Hahaha.

Salamat, fans! :) Kung may picture din kayo habang nagbabasa ng Kuya Judy, send niyo sa akin at ilalagay natin dito. Hahaha.

Pasensya na kung hindi ako nakapagblog kahapon. Busy kasi ako sa pagiging babysitter ko sa aking 5-year-old na pamangkin na si Cyrus. Isipin niyo, andito siya simula alas-5 ng hapon hanggang kaninang 11AM. Kailangan ko siyang aliwin dahil nasa office ang kanyang mga magulang.

Siguro meron din kayong mga pamangkin na paminsan ay inaalagaan nyo, or anak na araw-araw nyong binabantayan. Sa totoo niyan feeling ko di pa ako ready magka-anak, pero matapos ang overnight ni Cyrus dito sa bahay, parang medyo kaya ko na naman pala. Hahaha. Chos lang.

Isshare ko sa inyo kung ano ang mga pwede niyong gawin para hindi sila maglikot:

1. Magdrawing at magreview ng lessons. Kung matalino yung binabantayan niyo at mahilig mag-aral gaya ni Cyrus, kaya nito umubos ng 3-4 hours. Haha. Nagspelling kami ng body parts, numbers, family members atbp. Nagdrawing din siya ng family portrait nila.


2. Mag-play ng movies na pambata. Mag-stock ng mga DVDs na pambata. Sakto meron kaming Ice Age 2, The Incredibles, at Kung Fu Panda. O edi 6 hours agad yun at instant pampatulog din. Sa kwarto kayo manood at paniguradong maya-maya tulog na siya.

3. Maglaro. Dapat kahit papano may pwedeng toys sa bahay mo. Dito kasi merong playing cards. Nagmamatch kami ng numbers and letters at okay na yun sa kanya. Kahit ayaw mo maglaro dahil nakakatamad or nakakapagod, kailangan ng mga bata yan or else hindi ka na nila love na tita or tito. Haha. Tiyagaan talaga.

4. Magprepare ng food at drinks. Actually di na to para sa kanya lang talaga eh, kasi malamang gutumin ka sa mga pinaggagagawa niyo.

5. Makipagkwentuhan. Masaya actually makipagchikahan sa mga bata kasi nakakaloka yung mga isasagot nila sayo.

Ngayon alam niyo na kung paano niyo aaliwin ang mga pamangkin at anak niyo. Galingan niyo!

Ang hirap pala maging Daddy Judy!

Kuya Judy xoxo




No comments :

Post a Comment

Ang Saya Mabuhay sa Mundo!

1 comment
Ngayong gabi, nakakatuwa ang experience ni Kuya Judy.

Pasado alas-otso na nang umalis kami sa office. Kumaripas ako papuntang MRT dahil magkikita kami dapat ni Kevin para mag-dinner. Friday payday kasi, diba?! Kaya lang, may lakad ako bukas at 6AM ang aming calltime. Kaya naisip ko nalang, para hindi kami mahirapan pareho, uuwi nalang ako sa bahay at baka bukas nalang kami magkita. Sad.

Dahil gutom na ako, naghanap ako ng makakainan sa Boni. May Jollibee, McDo, at Wendy's. Meron ding Dine-In na Chooks to Go. Kaya lang, walang kumakain sa loob, parang nakaka-claustro. Sinilip ko sa Jollibee kaya lang walang macaroni soup, ang aking paborito. Sa Wendy's naman, nadala ako kasi sabi yung chili daw gawa sa tira-tirang patties. Ayoko naman ng McDo just because. Buti nalang at nakakita ako ng maliit na carinderia katabi ng Chooks to Go. Wala ring kumakain, pero malinis naman at maraming pagpipilian sa menu.

Dun ako nagkamali. Pasara na pala ang carinderia at kakaunti nalang ang available na ulam. May isang pirasong manok, limang pirasong barbeque, tatlong ulo ng pritong tilapia, at dalawang sunny side up. May isang tortang talong din na agad namang binili ng isang ate. Para akong na-hypnotize at inorder ko yung nag-iisang chicken kahit na alam kong kaninang hapon pa yun nandun. 70 ang isang order, may kasama nang kanin. Nanliwanag ang paningin ko nung offeran ako ni Kuya ng sili at kalamansi -- narealize kong tama ang desisyon ko!

Norma and Pepe's 1pc Chicken with Rice. Medyo maalat, pero pwede na!


Ayun, kumain ako ng mag-isa sa Norma and Pepe's Eatery sa Boni. Yung dalawang attendants ay isang babae at isang lalake. Di ko tuloy napigilan tanungin kung sila ba si Norma at si Pepe. Natawa ko nung sinabi nila, "hindi kami yun. Luma yung pangalan nila eh." Hahaha. Sa sobrang pagod ko at drained, pinatulan ko na yung tubig sa pitsel na inoffer nila, though di ko dapat papatulan yun on a normal day kasi baka madumi, maselan pa naman ang tiyan ko. Pero basta, gutom at pagod na ako at wala na akong concept ng malinis at madumi.

Pagkakain ko, sumakay na ako ng ordinary bus pauwi. Bente ang pamasahe at sa Bicutan ako ibababa. Sumasakay talaga ako ng ordinary bus, dahil matumal ang mga aircon bus na pa-Bicutan. Pointless naman kung mag-MRT ako kasi yun din ang ending ko, bus din pagbaba ng Ayala. Sanay akong sumakay ng bus at okay lang sa akin yun. Pagsakay ko ng bus, ngumuya ako ng isang pirasong chewing gum at nagbrainstorm with myself. Di ako makapag-blog eh, baka ako manakawan.

Pagbaba ko ng bus, naglakad ako papuntang sakayan ng tricycle. Ordinary tricycle lang din ang sinasakyan ko, hindi dahil wala akong pera, kundi dahil mahaba ang pila sa special ride. Otso pesos ang pamasahe hanggang sa labas ng subdivision namin. Naisip kong bumili ng pasalubong at nag-crave ako ng balut.

Bumili ako ng anim na balut sa aleng nagbebenta sa kanto. Humingi ako ng suka dahil masarap yun ihalo sa sabaw ng balut. Yum!

Noong ako'y naglalakad na papunta sa aming bahay, na-realize ko na, very payak ng buhay ko, no? Joke lang.

Ang naisip ko talaga, na someday, pag medyo matanda na ako at successful na -- CEO, Creative Director, or kung anumang posisyon -- ikkwento ko sa mga empleyado ko, sa mga anak ko, at sa mga apo ko, ang tungkol sa gabing ito. Na minsan sa buhay ko, yung mga simpleng bagay ang pumuno sa akin. Na hindi mo kailangan ng maraming pera para mabusog or sumaya or magpasaya. Na hindi mo kailangang magpanggap na mayaman ka para mahalin ka ng iba. Na minsan masayang mag-isa ka lang. Na okay lang madumihan. Na hindi kapintasan ang pagiging iba.

Masaya ako sa buhay ko. Kahit ganito lang muna kasimple, minsan nagigipit, minsan naman sobra-sobra. Parang kanina yung lunch namin, isang plato ng pasta, P320. Pero di ako halos nabusog. Haha. The irony of life.

Ang saya lang mabuhay at mag-decide para sa sarili mo.

Ang saya mabuhay sa mundong ito. Wag kang magpadaig sa kalungkutan.

Kuya Judy xoxo

1 comment :

Post a Comment

Kinainggitan si Kuya Judy sa Jeep!

3 comments
Ganun pala ang feeling ng kinaiinggitan ka.

Sumakay ako sa jeep pa-Project 8 bandang alas-otso y media na ng gabi. May dala akong isang paper bag, maya-maya, napansin kong nagtitinginan ang mga pasahero sa akin. Bawat sulyap nila sa akin ay parang may inggit na may halong pagkayamot.

Minasdan ko ang bawat isa sa kanila: si Ate, halatang pagod galing sa trabaho. Si Kuya, mukhang inaantay na ng kanyang asawa sa bahay. May ale rin na tila iniisip na ang parating na sweldo bukas. At may mama na napalunok nalang at mukhang iniisip na kung ano ang hapunan na hinanda ni Misis.

Lahat sila'y napatingin sa akin nang ako'y sumakay, at naramdaman ko na sa aking pag-upo, silang lahat ay inggit sa akin.

Malamang hindi ang gupit ko ang kinaiinggitan nila kasi medyo mahaba at kulot na ang bangs ko.

Di rin siguro ang bag ko, kasi medyo dugyot na kahit Jansport.

Di rin siguro ang fez ko kasi medyo oily na ako at medyo malago na ang kilay ko.

Di rin siguro nila alam na sikat si Kuya Judy online, no?

Alam niyo kung ano?

Pagsakay ko ng jeep, umalingasaw lang naman ang amoy ng bitbit kong paperbag... na naglalaman ng isang bucket ng Jollibee ChickenJoy. Sino ba namang hindi maglalaway? :)



Inggit ka no? ;)

Hindi na #ChickenSad,

Kuya Judy

3 comments :

Post a Comment

Ang Haba ng Hair ni Kuya Judy!

No comments
Napakasaklap ng balita kaninang alas-4 ng hapon tungkol sa isang tren ng MRT na nadiskaril sa Taft Avenue. Isa pa naman akong regular na mananakay ng MRT, at ang mga ganitong balita ay napakasakit marinig. Awa ng Diyos at wala namang namatay, pero nakakalungkot pa rin na marami ang nasaktan, kasama na ang mga lolo at lola na nakasakay sa unang coach ng MRT na nakalaan sa mga vulnerable passengers.

Anyway, mabuti na lamang at ngayong araw ay sinundo ako ni Kevin sa office. Hindi dahil may date kami or whatever, pero para kunin ang kotseng kanyang binili kay Dr. Carpi, ang mabuting asawa ng aking boss na si Mrs. Carpi (di nila tunay na pangalan, pero close enough). Kinilig ang mga bakla sa opisina namin, sa sobrang kilig nila ay nakapag-blog agad si Mike tungkol sa historical na pagdalaw ni Dr. Carpi at ni Kevin (or Keven para kay Alfred).

Sa wakas, nakabili na ng kotse si Kevin! Kay tagal na kaming naghahanap sa sulit.com.ph (nakapag-rebrand na nga sila, wala pa rin kaming kotse) ng mga second-hand cars at ang dami na naming flyers na nakuha sa mga car displays sa malls. Masayang-masaya ako na napakaganda ng deal at napakaayos ng kotse na nabili niya. Malamig ang aircon at masarap daw i-drive! Woohoo! Sana mapadalas ang pagsundo niya sa akin sa office para di na ako mag-MRT. Hihi.

Ngayong dekotse na siya (or pwede ding, "kami), eto na ang mga susunod naming gagawin:
- Magpapakasal! Kasama yun sa kontrata ni Dr. Carpi kaya sobrang gaan ng payment terms. Hihihi. Pero matagal pa ito, though may pre-nup ideas na akong naisip kanina sa MRT. Hihihi ulit.
- Mag-ta-travel. Susuyurin namin ang Pilipinas--or Luzon lang pala. Hehe. Roadtriiiiipppp!
- Magbabawas ng gastusin. Kailangang magtipid at nagmamahal ang gasolina.
- Mag-iipon. Para makabili ng next investment... bahay at lupa!
- Mag-eenjoy. Dahil we only live once! YOLO!

Aalagaan namin ng mabuti si Blackie, Dr. Carpi! :)


Masaya sa aking mahabang herrrr na lumilipad habang nakasakay sa bagong carrrrr,

Kuya Judy xoxo


No comments :

Post a Comment

Walang Maisip na Witty Title si Kuya Judy Para sa Post na Ito

1 comment
Today is the National Pila Day. Pila sa pagligo, pila sa jeep, pila sa MRT, pila sa tricycle, papasok ng opisina at pauwi. Pila lahat.

Napakanta nalang ako ng "field trip, sa may pagawaan ng lapis ay katulad ng buhay natin, isang mahabang pila, mabagal, at walang katuturan." Pero sana hindi ka naniwala sa Eheads, Robin.

---

Pagkagising ko kaninang umaga, bumulaga sa akin ang PM ng isang kaopisina ko dati sa ABS. Sabi niya, "gud pm. hello, KUYA! :)"  

Kanina naman, sa loob ng Unilab Compound, humahangos ako dahil may 9AM meeting kami. Nang maaninag ko ang isang pamilyar na mukha sa malayo.

Si Noelle! Isang kababata na anak ng kaopisina ng mama ko. Friends kami sa Facebook, pero napakadalang namin magkita in real life. As in tuwing Christmas Party lang sa office nila mama. Eto ang naging eksena:

Me: (papalapit sa kanya) "Noelle!"
Noelle: (walang pag-iimbot at buong katapatan) "Kuya Judy!"
Me: Wahaha...

At natawa nalang ako na narealize kong widespread na talaga ang katauhan ni Kuya Judy. Haha.

1000+ views na tayo! Maraming salamat sa pagpatol niyo sa kalokohan ko! Haha! Ndi k kayo kakalimutan pag may commercials na ko or magazine cover offers na. Or pag pinipilahan na ako ng mga fans ko. Hehe. Promise. :)

Ang inyong Kuya,

Kuya Judy

1 comment :

Post a Comment

Sorpresa Kay Kuya Judy!

No comments
Fan mula sa fan ni Kuya Judy! Thank you!

Ganito pala yung feeling ng mga artista na inaabutan ng mga stuffed toys, bouquets, or cakes ng kanilang mga fans. Nasorpresa ako ng matanggap ko ito mula sa aking kaopisina na masugid na mambabasa rin ng Adventures of Kuya Judy. Maraming salamat, Ms. Michelle! :)

Magagamit ko itong pamaypay tuwing ako'y nagco-commute sa araw-araw. Salamat! :)

Speaking of sorpresa, pasintabi po sa kumakain. Share ko lang dahil baka kapulutan ninyo ng aral. Kaninang umaga sa MRT, ako'y nagmamadali (dahil rush hour) at may 9AM meeting kami. Sobrang haba ng pila sa istasyon ng MRT; 2 kilometers ata yun. Nang makaramdam ako ng surprise from inside. Humihilab ang aking tiyan! Iniisip ko kung magbu-bus ba ako para lang umandar, o magtataxi kahit mahal. Naisip ko rin maghanap ng pinakamalapit na CR pero wala pang bukas na establishment ng alas-7 ng umaga. Ano pa nga ba't tiniis ko ang sakit ng tiyan. Nakakainis na sabi nga sa The Fault in our Stars, "pain demands to be felt."

Pero eto. Hayaan niyong ishare ko sa inyo ang mga ginawa ko para madistract ang aking digestive system:

1. Nakinig ng music sa Spotify. Sabi ko sa aking sarili, it's all in the mind. Nakinig ako ng "Lost Stars" ni Adam Levine at nagawa ko pang maki-sing along para lang makalimutan ko na najejebs na ako.

2. Nagbrainstorm with myself. Hobby ko tong gawin lalo na habang nagcocommute. Nagbbrainstorm kami ng sarili ko at nagttype lang ako sa Notepad ng aking cellphone ng mga thoughts na pwedeng gawin sa work and personal life.

3. Nag-Facebook at Instagram. Inaliw ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga articles na how-to. Ayun, di na nakadiskarte ang digestive system ko.

4. Sumayaw-sayaw. Mag-step to the left, step to the right ka para maiba yung direksyon ng *alam mo na* at no choice siya kundi mag-wait ng next opportunity to be felt.

5. Nagdasal. "Lord, alam kong tutulungan niyo po ako na malampasan itong paghihirap na ito." Minsan, nasasabi ko din kay Lord na "bakit ako pa? Bakit di nalang yung mga nasa bahay pa?"

6. Unti-unting pasingawin. Pag may chance na walang tao sa likuran mo, take the risk na ilabas ang hangin. Minsan kasi, hangin lang talaga yan. Mag-isip ka nalang agad ng witty na pambawi in case maamoy nila.

7. I-plan out saan pwedeng mag-let go. Aba, isipin mo na kung saan ang best place na walang tao, may tubig, may tissue. Tapos mag-focus ka na dun. Parang life lang yan. Or love. :)

8. Lumayo sa aircon. Day. Sinasabi ko sayo. Gu-goosebumps-in ka.

Sana magamit mo ang mga tips ni Kuya Judy. May maidadagdag ka ba? Ang saya-saya ng mga sorpresa! :)


*hugs*


Kuya Judy

No comments :

Post a Comment

Payo ni Kuya Judy sa Dalawang Anonymous Fans

No comments
Salamat sa mga nagtanong kay Kuya Judy! Share ko sa inyo yung dalawang anonymous na nagtanong (na mej may hugot) at ang aking mga sagot. Baka makarelate kayo. :)

Q: Kuya Judy, naniniwala ka ba sa sinasabing, "Once a cheater, always a cheater"? Why or why not? -Anonymous

A: Hi! Salamat sa tanong mo. Naniniwala ako na lahat ng nasa relationship ay may kapasidad na nag-cheat. Lahat tayo ay tao lang, at natutukso rin. Pero, pero, pero, lahat tayo ay may kakayahan rin magmahal. At yun lang ang kayang bumago ng kahit ano sa mundo. Kahit ang cheater pa. You're welcome in advance.

Love,

Kuya Judy

Q: Paano mo masasabi na mahal ka pa ng ex mo? -Anonymous

A: Hello! Wag mo na ko idamay. Oo, mahal ka pa ng ex mo. At mahal mo pa din siya. Kasi kahit kailan, kahit saan pa kayo makarating sa buhay niyo, andun pa rin yung kahit kakatingot na spark dahil minsan, minsan sa buhay ninyo, may pinagsamahan kayo.

Basahin mo nalang itong tulang ito na sinulat ko.

Kuya Judy xoxo

Kung may tanong kayong gusto ipaabot kay Kuya Judy, click here.

PS. Congrats, UP! #FirstWin

No comments :

Post a Comment

Tanungin si Kuya Judy

No comments
May tanong ka ba tungkol sa buhay, pag-ibig, trabaho, pag-aaral, atbp?

Try mo tanungin kay Kuya Judy, baka matulungan ka niya.

Sasagutin ko ang mga katanungan mo bilang isang kuya. Pwede ka magpakilala o hindi, pwede ring magcomment ka lang kung di ka masyadong inquisitive. :)

Game?

Click mo lang ang link sa baba:

Kuya Judy, Kuya Judy, may tanong ako!


No comments :

Post a Comment

Ang Pira-Pirasong Pangarap ni Kuya Judy

No comments
Ang dami kong nalaman ngayong araw na ito na ngayong araw ko lang nalaman. What?!

Sobrang hirap magsulat in Tagalog, as in. I'm not conio pero it's really mahirap talaga! Kaya itong buong Agostong ito ay pahirap sa akin dahil sa mina-manage kong Facebook page, at nagpauso ako na i-ho-honor ang Pambansang Wika. Haha.

Kanina nga, sa opisina, may debate kung ano ang tama: makatutulong o makakatulong. Ang ending, ginamit nalang nila ang salitang "mahalaga." Fail.

Pero ang pinakamalupit na nangyari ngayong araw (or gabi) na ito ay nang sumakay ang officemate ko ng tricycle for the first time. Siguro nasa 30-ish na siya, pero ngayon lang siya nakasakay ng tricycle. Legit.

---

Anyway, as promised, ipopost ko dito (at dito lang) ang aking dreamboard! Talagang pinaglaanan ko yan ng oras kanina sa office. Haha. Eto na siya. Pagmaramutan niyo na ang aking mga mumunting pangarap na sana matupad sa mga parating na taon. Enjoy! :)

Ang Pira-Pirasong Pangarap ni Kuya Judy

Mga yapos (hugs),

Kuya Judy

No comments :

Post a Comment

"What Makes Kuya Judy Come Alive?"

1 comment
"What makes you come alive?"

Yan ang isa sa mga quotes na nakalagay sa PowerPoint Presentation ng aming Boss noong nag-salita siya sa Letran kanina. Napaisip tuloy ako: ano nga ba ang passion ni Kuya Judy?

Tumulong. Magpasaya. Mag-isip ng wild.

Para sa akin, yan ang tatlong bagay na gusto kong gawin at masaya kong gagawin habambuhay.

Tinext ako ng kapatid ko kanina na hindi daw siya prepared sa job interview na pinuntahan niya kanina. Hindi rin daw para sa kanya ang trabaho sa call center. Ang nireply ko lang sa kanya, "it's okay, don't worry. At least you tried." Yesh, englishera kaming magkapatid. Haha.

Kanina, sinimulan kong gawin ang dreamboard ko. Nilista ko muna ang mga pangarap ko sa buhay at natuwa naman ako na meron pala. Hehe.

Bukas, ipopost ko dito ang aking dreamboard ; ang mga pangarap ni Kuya Judy. Baka matulungan mo kong tuparin yung iba dun!

Pero sa ngayon, eto muna ang iiwan ko sayo:


Para sayo at para sa mga kapatid ko, gawin mo ang gusto mong gawin! Be brave! It's okay! :)


Hugs,

Kuya-slash-Ate Judy



1 comment :

Post a Comment

Six Tips Para Di Ka Mapagkamalang "Kuya" (Gaya Ko)

2 comments
So, nagpa-pixie ka ng hair at wala ka nang choice kundi panindigan yan. Pero di mo maiiwasan na mawindang for a second ang universe dahil mej nabawasan ang iyong dating long, rebonded hair. Ayokong matawag ka ring "kuya" o "sir" kagaya ko, kaya eto ang mga tips na dapat mong sundin para di ka mapagkamalang "manong:"


1. Magsuot ng hikaw. Wag yung studs, wag rin danglings. Yung tama lang. Mas maganda kung cute katulad nito:

"Instagram" clay earrings from BeautyNBeads

2. Mag-make up. Or at the very least, mag-lipstick. Walang maitutulong sayo ang pag-li-lipbalm.

3. Magsuot ng dress na tama ang haba. Umiwas sa pagsusuot ng maong pants at shirt. Lalo na pag medyo hindi pinagpala ang iyong hinaharap. 

4. Act like a girl! Mag-flip ng hair paminsan-minsan, hawakan ang dibdib pag yuyuko, at wag bumukaka pag nakaupo.

5. Iwasan magsuot ng mga "boy" colors. Wag mo naman piliting magsuot ng pastel-colored clothes lalo na kung hindi mo bet, pero kung magsusuot ka ng mga navy blue or gray or camouflage at napagkamalan kang "kuya," problema mo na yan. :)

6. Laging mag-smile! It makes all the difference! :)

*hugs*

Kuya Judy 

2 comments :

Post a Comment

Nang Maging "Knight in Shining Armor" si Kuya Judy

4 comments
Noong isang araw, nakasakay ako sa MRT papuntang office. As usual, nakatayo ako sa may pinto ng female area coach dahil sa Boni ako bababa. Busy ako sa pagsstalk sa mga tao sa Facebook at Instagram. Nang bigla akong may narinig sa aking likuran na nagsabing

"Naninigas yung mga kamay ko."

Napalingon ako at nakita ang isang babaeng nakapikit at namumutla. Sa tantsa ko, 27 years old na si Ate at patungo rin sa kanyang trabaho. Siguro merong tatlong babaeng nasa likod ko bago sya. Pero lumapit siya sa akin dahil tila walang gustong tumulong sa kanya. Palibhasa mga hindi gentleman. Tsk.

Nang lumapit sa akin si Ate, napasandal siya sa akin. Sabi niya nga na nilalamig sya at naninigas ang kanyang mga kamay at paa. Hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay sa aking arms. Kung lalake lang ako, perfect lovestory na yun. Haha.

*Naka-sleeveless at naka-lipstick ako nun, kaya siguro naman ndi niya naisip na "kuya" talaga ko kaya sa akin siya nagpa-sagip. Hahaha.*

Nagbakasakali ako na makiusap sa mga nakaupong pasahero na paupuin si Ate. Ngunit naaalala ko pa ngayon ang itsura nung babae na parang wala siyang kabalak-balak i-give up yung seat nya para kay Ate. Wala na kong choice kundi magpakatatag dahil mej mabigat si Ate. Swear.

Sa Boni pa ako dapat bababa, pero dahil sa pangyayari ay bumaba kami ni Ate sa Shaw. Tinulungan ako ng isang ale, sinabihan niya yung guard sa Shaw na meron ngang hinimatay na pasahero. Sumakay ulit siya sa MRT at iniwan kami. Inupo ko si Ate sa waiting bench at sinabi ko sa kanyang wag siyang babagsak.

Pinuntahan ko ang guard at nanghingi ako ng stretcher. Sabi ko dalhin namin si Ate sa Healthfirst na nasa taas lang ng station na yun. Mej matagal bago bumalik yung guard na may dalang stretcher. Habang naghihintay, hinihilot ko ang kamay at paa ni Ate at si Kuya Guard naman ang nagpapaamoy ng White Flower.

"Kasama ho kayo?" Makailang ulit na itinanong sa akin ng guard at ng mga usiserong pasahero. "Hindi po, sumandal lang siya sa akin," siya namang sagot ko. Umiiyak na si Ate. Kinocomfort ko siya na okay lang yun. Kumain naman daw siya ng agahan at di naman siya buntis.

"Pasensya ka na at naabala pa kita," sambit ni Ate nung mej nahimasmasan na siya dahil sa hilot at White Flower. Nang dumating na ang mga guards na may dalang stretcher, dinala ko ang bag ni Ate at sinamahan ko sila sa taas. Dinala nila si Ate sa Supervisor's Office at doon pinaupo sa malambot na office chair. Tinanong ulit ako kung kasama ko siya. Sabi ko hindi.

Pinainom siya ng tubig at tuloy pa rin nilang hinihilot ang kanyang mga kamay at paa. Ako naman ay tuloy ang pagpapaypay sa kanya gamit ang flyer na inabot ng isang pasahero. Sabi nila, iwan ko na daw si Ate at baka mahuli na ako sa aking trabaho. Sabi ko, okay lang po, malapit nalang naman ako.

Nang umayos-ayos na ang lagay ni Ate, tinawagan niya ang kanyang asawa at kaopisina para sunduin siya. Sabi kasi ng empleyado ng MRT, dadalhin siya sa ospital dahil sabi ni Ate nananakit yung kaliwang bahagi ng kanyang tiyan. Nilinaw ni Ma'am na sagot ni Ate ang bayad sa ospital.

Bumuti na ang lagay ni Ate at sabi niya pupuntahan na siya ng kaopisina niya. Ako naman ay natuwa at nagpaalam na.

"Anung pangalan mo?" Tanong ni Ate sa akin. Hindi ko alam bakit, pero parang gusto kong maging anonymous na lang. Haha.

Sinabi ko ang aking pangalan at nagpakilala sa akin si Ma'am sa MRT. "Ako si Mrs. Patricio. Sana lahat ng pasahero ay mabuti katulad mo."

"Wala po yun. Lagi din po kasi akong nahihimatay sa MRT, pero awa ng Diyos, laging may tumutulong sa akin. May nagpapaupo sa akin, minsan may nag-abot pa ng Halls," sagot ko.

Ako ay umalis ng may ngiti sa mukha at napakasarap na pakiramdam.

Sa loob-loob ko, "ganun pala ang pakiramdam na maging isang "Knight in Shining Armor."

Ang sarap tumulong sa kapwa!


Kuya Judy





4 comments :

Post a Comment

2 comments
10 Reasons Bakit Ka Magpapa-Pixie Cut

Photo Credits: Unilab


10. Madami kang kuto at wala kang ibang choice kundi i-relocate sila.
9. Nag-break kayo ng boyfriend mo at feeling mo ikamomove on mo ang pagpapagupit.
8. Narealize mong gusto mo i-"more than friends zone" ang bff mo. Na girl.
7. Mainit kasi summer at boring mag-ponytail.
6. Nawala yung suklay mo.
5. Gusto daw ng boyfriend mo ng "something new" sa look mo. Pero siya naman...
4. Nanalo ang UP Pep Squad pero itatakwil ka ng tatay mo pag nagpakalbo ka. So baby steps muna.
3. Idol mo si Anne Hathaway or si Kris Aquino. Or si Kuya Judy!
2. Gusto mo ipaglaban na hindi lang ang mga lalaki ang pwedeng mag-boy cut!
1. Wala lang. Walang science behind. (!!!)

As for me, nagpa-pixie cut ako because I believe that I always have a choice. That's all. Thank you!

Kuya Judy xoxo

2 comments :

Post a Comment

Product Endorser na si Kuya Judy!

No comments

Dear roy&biv,

Salamat po sa pag-repost ng picture ko sa inyong Instagram. Tiyak na matutuwa ang mga fans ko dahil wala pang isang araw nung sinimulan ko ang pagsusulat tungkol sa Adventures ni Kuya Judy ay tila may product endorsement na siya. Ganito pala ang feeling nila Xian Lim -- este Kim Chiu. :-)

Nang pumasok ako sa store ninyo sa Glorietta, nakakaloka ang feeling na nakaayos per kulay yung stuvvs niyo. Natuwa ako kaya ako nagselfie sa aking favorite color na fuchsia pink.

Sabi sa inyo, hindi talaga ako Kuya eh. Pero papanindigan ko na to, dahil mukang maraming nakaabang sa Adventures ko.

I love hue, roy&biv! *wink*

PS.

Invite ko mga ka-tropa ko to visit your store. Favorite color nila blue. :-)

Love,

Kuya Judy

No comments :

Post a Comment

Disclaimer ni Kuya Judy

No comments
Dear bagong blog,

Ilang beses na akong kinukulit ng mga officemates ko na gumawa ako ng blog tungkol sa mga adventures ko bilang "Kuya Judy" simula nung nagpa-pixie cut ako, at na-confuse na ang world sa gender ko.

Kaya eto na, nagpadala na naman ako sa peer pressure.

Once and for all, hindi po ako tomboy or boy. May boyfriend po akong tao at lalake po sya. Hindi rin po ako bakla.

Pero fine, okay na lang sa akin na tawagin niyo akong Kuya.

Please lang, wag lang Sir. Wag lang Sir ulit.


Love,

Kuya Judy


No comments :

Post a Comment